"Come on Mama... wala man lang ba kayo gagawin to stop Marcus? You're son is planning to file an annulment! I thought... I thought nagkaka unawaan na kami na we will try to fix our marriage for Gabbby.. pero heto siya at gusto na naman niya ako iwan!" halos umalingawngaw ang boses ni Vanessa. Nasa study room sila ngayon ni Loisa para sana hindi na marinig ng iba pang tao sa mansiyon lalo't higit ng mga maid. Talagang pag pipyestahan na naman ng mga ito ang mga amo kung hindi sila magiging maingat sa mga ganito kasensitibong mga bagay. Pero heto si Vanessa at hindi na naman makapigil. Gaya ng dati hindi si Vanessa papayag na magkahiwalay sila ni Marcus! Sumugal na siya ng malaki magawa lang niya na makapasok sa buhay nito. Actually hindi naging madali ang lahat para kay Vanessa na ma

