Hindi mapakali si Lyndsay nang makabalik na sa sariling kwarto. Pakiramdam niya hindi talaga healthy na nasa iisang lugar sila ni Marcus. Bakit ba tila ito pa ang nagagalit sa kanya ganung ito naman ang malaki ang kasalanan? Iniisip na niya na ipagtapat na lang ang lahat kay Tristan... pero nag aalinlangan siya dahil sa nakikita niya may cold war din ang magkapatid. Ayaw na sana niyang makadagdag pa sa problema. Hindi sila close na magkapatid. At sa nakikita niya may malalim na pinag-ugatan ito. Sa totoo lang kapag tinitingnan ni Tristan si Marcus galit ang nakikita niya sa mga mata nito. Base sa kilos nilang dalawa.. hindi sila okay. No wonder sa naging kasal nila ay hindi na si Tristan nag invite ng kahit sino sa kanyang kapamilya. Actually... hindi rin niya lubos na maisip, k

