" Lyndsay, I need to be at our business meeting sa Manila. It's about sa new endorser namin ng product. We are planning to promote pur new designs this year. I'm so sorry I have to be there." Mahabang paliwanag ni Tristan habang inaayos ang sariling necktie sa harap ng salamin. Kaagad na kinuha ni Lyndsay ang necktie at siya na ang naglagay at nag-ayos nito sa leeg ni Tristan. "Hayan okay na po!" sinundan niya iyon ng isang matamis na ngiti. "Thank you so much" si Tristan. Hinapit siya sa bewang ni Tristan at yumuko upang gawaran siya ng isang halik. Sa tuwina ay ganun naman si Tristan. Hindi nawawala ang halik sa kanya at yakap. Pero hindi naman ito magsasabi ng salitang "I love you" or "mahal kita". Aminado si Lyndsay na hinihintay na niya ma sabihin iyon ni Tristan sa kanya.

