Lunes ng maaga, nagising siya. Ngayon kasi ang interview niya sa Saavedra Santillan Hospital. Tinawagan siya noong Biyernes at sinabing meron siyang unang interview ngayong Lunes ng umaga. Kaya naman kagabi pa lang, hindi na siya mapakali. Nag-practice siya ng mga dapat niyang isagot sa interview at kung ano ang isusuot niya. Wala siyang magagandang damit kaya naman humiram pa siya sa kaibigan at kaklasing si Jessa. Hindi naman siya tinanggihan ng kaibigan. Pinahiram siya nito ng pormal na blusa at palda, pati nga sapatos pinahiram na ng kaibigan dahil masyado na ding luma ang lagi niyang suot na sapatos. "Saan ka papunta? Ang aga-aga mo yatang nakabihis?" bungad ng tiyahin nang lumabas siya ng silid. Nasa sala ito, nagkakape habang nanonood ng telebisyon. "May interview po ako sa Saav

