Gael- 1

1326 Words
"Anya! Anya!" Sigaw ng tiyahin sa ibaba ng bahay. Mabilis siyang lumabas sa kwarto at nagtatakbong bumaba ng hagdan. "Bakit po, Tita Daisy?" Humihingal na tanong niya nang makababa. "Bakit hindi ka pa nakabihis? Hindi ba't sinabi ko sa iyo kagabi na aalis tayo?" galit na sigaw ng tiyahin sa kanya. "Ayoko po kasi, Tita Daisy. Natatakot po ako," naiiyak na sagot niya sa tiyahin. "Anong natatakot? Tumigil ka nga sa pag-iinarte mo riyan! Pinag-usapan na natin 'to kagabi, 'di ba?" "Pero T'yang—" "Anya naman! Alam mo namang malaki ang utang natin dito sa bahay. Pwede tayong paalisin pag hindi tayo nakabayad ng renta. Isa pa, wala na nga tayong makain ng kapatid mo. Wala nang nagpapalaba sa akin. Ikaw naman ang kumilos para magtrabaho," inis na litanya ng tiyahin sa kanya. Habang halos maiyak na siya sa pakiusap dito, na ayaw niya ang pinapagawa nito sa kanya. Ang T'yang Daisy na lang niya ang natitirang kamag-anak nila sa San Sebastian. Sa tiyahin din sila nakikitira ng nakababatang kapatid niyang si Ariel. Sampung taon pa lang ito kaya hindi pa nito kayang magtrabaho. Siya, sa edad niyang kinse kung anu-ano na ang pinasok niyang trabaho para lang makapagpatuloy ng pag-aaral sa high school at si Ariel naman sa elementarya. Sa pampublikong paaralan silang magkapatid pumapasok, libre naman at walang gastos. Tanging baon at pamasahe lang ang gastos. Pero hindi sapat ang konting kinikita niya sa pagpa-part time sa isang panaderya malapit sa palengke. Isama pa na halos napupunta sa tiyahin ang kinikita niya. Wala na kasi silang mga magulang. Ang Nanay nila ay namatay sa panganganak kay Ariel, at ang Tatay naman ay hindi rin nila maasahan dahil laging nasa sugal at inuman. Hanggang sa may nakilalang babae ang Tatay nila at sumama sa Mindanao, iniwan sila ni Ariel sa Tiyahin. Walang asawa't mga anak ang tiyahin kaya naman kinupkop na silang magkapatid. Noong una, maganda ang samahan nila pero nitong huli ay tila umaasa na rin sa kanya ang tiyahin. Tila ang gusto nito ay siya na ang magtrabaho para sa kanilang tatlo. Pati ang pag-aaral niya, minsan napapabayaan niya dahil sa mga trabahong pinapagawa ng tiyahin sa kanya. Wala naman siyang magawa dahil wala naman din silang mapupuntahang magkapatid. Isa pa, kung hindi rin naman siya kikilos at magtatrabaho, magugutom silang magkapatid. "Anya, subukan mo lang naman, eh. Isa pa, ang dami nang gumagawa nito sa bayan natin. Nakita mo ba si Xyra? Tignan mo siya ngayon, ang ganda na niya. Marami na rin siyang naibiling mga kagamitan nila sa bahay." "T'yang Daisy, natatakot po ako talaga," sagot niya at naiyak na nang tuluyan. Pinaliwanag ng tiyahin kagabi ang bagong trabahong papasukin niya. 'Yon ay ang pagbebenta ng sarili. Sinabi ng tiyahin na maraming nagkakainteres sa kanya dahil sa edad niyang labing-walo, may hubog na ang kanyang katawan, may magandang hinaharap. Kahit laki sa hirap, may maganda siyang kutis na namana sa ina. Namana rin niya ang maamong mukha ng ina na kahit hindi siya mag-ayos ay maganda siya. Kaya marahil may mga nagkakainteres na sa kanya. "Tumigil ka nga!" Sigaw ng tiyahin sa kanya kasabay ng paghampas sa balikat. Napangiwi siya at lalong umiyak nang umiyak. "Walang magagawa 'yang iyak mo, Anya! Kailangan natin ng pera kung hindi, paaalisin na tayo rito! Anong gusto mo, tumira tayo sa kalsada? Hindi mo ba iniisip si Ariel?" Sigaw ng tiyahin sa kanya. "Pero T'yang Daisy, natatakot po ako." "Walang maitutulong ang takot mo sa problema natin! Anya, gawin mo na para sa kapatid mo, para sa pag-aaral n'yong dalawa. Alam mo namang hindi ko kayo kayang suportahan. Wala akong trabaho, palaba-laba lang kung kani-kanino. Ikaw lang ang makakatulong sa atin, sa kapatid mo," litanya ng tiyahin. Napaupo siya sa hagdang kahoy at umiyak nang umiyak. Pinaghalong takot at sakit ang nararamdaman niya sa tiyahin. Alam niyang mahirap sila at halos nga hindi nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Pero hindi niya lubos maisip na gagawin ng tiyahin ang itulak siyang ibenta ang sarili para kumita ng pera. Alam niyang maraming gumagawa ng mga bagay na 'yon, pero napakabata pa niya para pasukin ang ganoong klase ng trabaho. Isa pa, ano na ang mangyayari sa kanya pagkatapos? "Ate, saan kayo pupunta ni T'yang?" Tanong ni Ariel nang makitang bihis na bihis siya. "Mag-a-apply ako ng trabaho," pagsisinungaling niya at iniwasang tumingin sa mga mata ng kapatid. Baka kasi makita nito ang pamamaga ng mga mata niya dahil sa kakaiyak kanina. Isama pa na baka mahalata ng kapatid na nagsisinungaling siya. "Hayaan mo, Ate. Paglaki ko, ako naman ang magtatrabaho para sa atin ni T'yang," nakangiting sabi ni Ariel. "Oo naman, Ariel. Kaya galingan mo sa eskwela, ah." "Oo naman, Ate." "Anya! Anya! Tara na!" Sigaw mula sa ibaba. "Ariel, aalis na muna kami ni T'yang Daisy, ah. May ulam na sa ibaba, binili kita ng paborito mong longganisa. Kumain ka nang marami, ah," sabi niya sa kapatid at mabilis na tumakbo pababa ng hagdan. "Anya! 'Yan, ang ganda-ganda mo," sabi ng tiyahin habang inaayos ang buhok niya. Hindi naman siya nag-ayos. Sinuot lang niya ang pinasuot na bestida ng tiyahin. Hindi naman ganoon ka-sexy 'yon at tama lang din ang haba kaya komportable naman siya. "Lalo kang gaganda pa 'pag naayusan ka na, Anya," dugtong pa ng tiyahin habang palabas ng maliit na bahay na inuupahan nila. "Salamat, Anya, pumayag ka," masiglang sabi ng tiyahin habang nag-aabang ng masasakyang tricycle. Bumuntong-hininga lang siya at alanganing ngumiti. Pinag-isipan niyang mabuti ang gagawin. At nangako siyang hindi na niya uulitin ang bagay na ito. Minsan lang niya ibebenta ang sarili at hindi na mauulit pa. Hinding-hindi na. Ayaw niyang matulad kay Xyra. Literal na kasi nitong ginawang hanapbuhay ang pagbebenta ng sarili sa kung sinu-sino. Matanda lang ng tatlong taon sa kanya si Xyra, pero tulad din niya, maaga rin itong naimulat sa maruming gawain. At hindi siya magiging tulad ni Xyra. "T'yang Daisy, sino po ba ang kausap n'yo na bibili sa akin?" Tanong niya nang halos kalahating oras na silang nakatayo sa may gilid ng malaking convenience store, ang G.S Convenience Store. "Maghintay ka lang. Nagka-aberya raw sa asawa," inis na sagot ng tiyahin. Napangiwi siya sa sagot nito. Sigurado naman siyang matandang lalaki ang bumibili sa mga katulad niya. Nalungkot siya dahil sa matandang lalaki unang maibibigay ang sarili. "Excuse me," tinig na umagaw sa atensyon nila. Sinulyapan niya ang lalaking nakatayo. Matangkad ito, matipuno. Nakasuot ito ng shades kaya naman hindi niya makita ang mga mata nito. Nakasuot ang lalaki ng puting t-shirt at itim na pantalon. Simpleng pananamit pero kitang-kita ang karangyaan nito. Halata sa tindig na may sinasabi ito sa buhay. "Bakit?" Tanong ng tiyahin sa lalaking nakatayo sa harapan nila. "Andito ba kayo para maghanap ng customer?" Tanong ng lalaki. Kumunot ang noo niya. "Ah— eh— gusto mo ba?" Tanong ng tiyahin at hinila siya sa braso. "Ito ang unang beses niyang gagawin, birhen pa ang pamangkin ko." Natilihan siya sa sinabi ng tiyahin. "T'yang, ano ba!" Saway niya at nahihiyang sinulyapan ang gwapong kaharap. "Magkano ba?" Tanong ng lalaki at nag-alis ng suot na shades. Napasinghap siya nang makita kung gaano ito kagwapo. Sa tingin niya, bata pa rin ito, marahil hindi nalalayo sa edad niya. Ngayon pa lang niya ito nakita sa bayan nila. Kung sabagay, malaki ang San Sebastian. Isa pa, mukhang hindi naman talaga kung saan-saan lang makikita ang ganito kagwapo sa harapan niya ngayon. Tila ito na nga ang pinakagwapong nakita niya sa buong buhay niya. "Presyong kaya mo, pogi," sagot ng tiyahin at kinurot pa ang braso ng lalaki. "I can pay a lot, lalo na if she's a virgin," sagot ng lalaki. "Ano raw?" Bulong ng tiyahin sa kanya at hinila siya. "Well, kaya kong magbayad kahit magkano, lalo na kung virgin pa siya. At ako ang magiging unang customer niya," ulit ng lalaki sa tiyahin. Nakaramdam siya ng pagkailang sa takbo ng usapan ng tiyahin at ng lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD