Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang sinabi ng lalaki sa tiyahin. Magbabayad daw ito ng isang daang libo kapalit siya. Nasisiraan na ba ito? Ang magbabayad ng ganoong kalaking halaga para sa kanya? Ano bang gagawin sa kanya ng lalaking ito at ganoong kalaking halaga siya nito babayaran?
"One hundred thousand pesos?" Gulat na gulat na tanong ng tiyahin sa lalaki.
"Yes! Magbabayad ako ng ganoong kalaking halaga para sa kanya," sagot nito at sinulyapan siya. Nahiya siya kaya nag-iwas siya ng mga mata.
"Sigurado ka ba?" Paniniguro ng tiyahin.
"Yes. Here, kunin mo muna ang sampung libo," at naglabas ng pera sa wallet na tig-iisang libo. Iniabot sa tiyahin na nanlalaki ang mga mata at nanginginig pa nang kunin ang pera.
Bumuntong-hininga siya. Siya kasi ang nahihiya sa kinikilos ng tiyahin. Masyadong halata na sabik sa pera.
"Paunang bayad muna 'yan. Later tonight ibibigay ko ang kulang," sabi ng lalaki at muli siyang sinulyapan na nanatiling walang kibo. Nakikinig lang sa transaksyon ng dalawa.
Naguguluhan siya kung bakit siya bibilhin ng lalaki sa ganoong kalaking halaga. Isa pa, kung bakit kailangan nitong bumili ng babae, eh ang gwapo naman nito at paniguradong maraming libreng sasama rito. Isama pa na may pera ito, kaya wala siyang nakikitang dahilan para bilhin siya nito. Kaya nitong kumuha ng higit na maganda kaysa sa kanya.
Ganoon pa man, sumunod siya sa usapan. Kailangan niyang sumama sa lalaki.
Kimi siyang naupo sa harapan ng magarang sasakyan. Kitang-kita niya ang lalim ng ngiti sa mga labi ng Tiyahin. Sino naman ang hindi mapapangiti? Hawak na nito ang sampung libo at may parating pang ninety thousand. Sa buong buhay nilang tatlo, ngayon lang makakahawak ng ganoong kalaking halaga ang tiyahin.
Nagkibit-balikat lang siya at sinulyapan ang lalaking bumili sa kanya. Hindi pa rin niya alam kung ano ang pangalan nito? At kung sino ito? Bakit siya nito binili ng ganoong kalaking halaga? Kung sabagay, mukha naman itong mayaman at barya lang marahil dito ang isang daang libo.
"Enjoy, Anya. Ang swerte mo," bulong ng tiyahin sa kanya bago umandar ang kotseng sinasakyan.
Nahihiya niyang sinulyapan ang lalaking nagmamaneho. Hindi na ito nakasuot ng shades kaya naman malaya niyang napagmasdan ang gwapong mukha nito. Pasimple niyang niyuko ang sarili dahil nagtataka siya kung bakit siya binili ng lalaki sa tiyahin. Gwapo ito at siguradong maraming babae ang naghahabol. Isama pa na may magara itong sasakyan na panigurado niyang mamahalin din. Ilang beses na ba niyang naisip ang mga bagay na 'yan?
"You are?" Tanong nito habang nagmamaneho.
"Ho?"
"Your name?"
"Anya po, Anya Garcia," nahihiyang sagot niya at nagyuko ng ulo.
"How old are you?"
"fifteen po."
"Why are you doing this kind of job?"
"Ho?" Tanong niya, hindi dahil hindi niya naiintindihan ang pag-i-Ingles nito. Kundi nais niya lang bigyan ang sarili ng pagkakataon para makapag-isip ng maisasagot.
"Matagal mo na bang ginagawa 'to?" Tanong nito, na nasa kalsada nakatuon ang mga mata.
"Hindi po," mabilis na sagot sabay iling ng ulo. "Hindi ko po gawain ito. Ayoko po sanang gawin ito. Kaya lang po, wala na pong ibang maisip na paraan ang T'yang Daisy ko," simula niya at naiyak. Habang nagpapaliwanag sa lalaki. "Ilang buwan na po kasi kaming hindi nakakabayad ng renta kaya pinaalis na po kami. Wala naman kaming ibang mapuntahan ng kapatid ko. Kaya po sinusunod ko si Tita Daisy sa mga pinapagawa niya sa akin," umiiyak na paliwanag niya.
"May kapatid ka?" Tanong ng lalaki at sinulyapan siya.
"Opo, si Ariel. Sampu pa lang po siya at nasa grade 3. Hindi pa po niya kayang magtrabaho, kaya ako po ang nagtatrabaho para sa amin," sagot niya. Habang walang tigil sa pag-iyak.
"You mean wala kang choice kaya mo ginagawa ito?" Tanong ng lalaki bago niliko ang kotse sa kilalang subdivision. Saavedra Real EstateKung saan puro mayayaman lang ang nakakatira sa sikat na subdivision. Kahit mahirap siya, kilala niya ang pinasukan nilang subdivision.
"Wala po," sagot niya sabay singhot at pinunasan ang mga luha.
Pinagsawa niya ang mga mata sa ganda ng paligid nang makapasok na sila sa loob ng subdivision. Malinis at nakaayos lahat ng mga puno at bulaklak sa daraanan.
"Wow," anas niya.
"Bakit?"
"Ang ganda po pala rito. Ngayon pa lang ako nakapasok rito."
"This is Saavedra Real Estate."
"Puro mayayaman ang mga nakatira rito. Dito ka nakatira?" Tanong niya sa lalaki at sinulyapan ito. Masasabi niyang gwapo nga talaga ang lalaking kasama.
"Yeah, my parents' house."
"Parents' house? Anak-mayaman ka? Kaya pala may one hundred thousand kang pambili," gilalas na sabi niya.
"Yeah, but I didn't buy you, Anya," sagot nito na sa kauna-unahang pagkakataon ay binanggit nito ang pangalan niya. Tila musika 'yon sa pandinig niya. May kakaibang hatid sa kanya ang pagbanggit nito sa pangalan niya. "I've saved you, Anya," patuloy nito.
Napanganga siya at napatitig sa gwapong mukha ng lalaki. Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin nito.
"We're here," sabi nito, at tila siya nagising sa panaginip.
Tumingin siya sa labas ng bintana. Napanganga lalo nang makita kung gaano kalaki, kalawak, at kaganda ang pinasok nilang gate. May mga nakita siyang ilang sasakyan na halatang mamahalin din na naka-park sa gilid ng malaking bahay.
"Dito ka nakatira?"
"Yeah, with my Mom and Dad and my two brothers," sagot nito. At bumaba na ito ng kotse.
"Wow! Grabe, ang yaman naman yata niya," bulong niya. Hindi alam kung paano bubuksan ang pintuan ng kotse. Ito kasi ang unang beses niyang makasakay sa kotse.
Bago pa siya tuluyang mag-panic, nabuksan na ng lalaki ang pintuan.
"Salamat, hindi ko kasi alam buksan," inosenteng paumanhin niya.
"It's okay," sabi nito at niyaya na siya sa loob ng bahay.
"Sigurado ka bang pwede akong pumasok diyan?" Pag-aalinlangan niya. Alam niyang hindi siya nababagay sa magandang bahay na 'yon, na mala-palasyo ang laki at ganda.
"Why not? This is my house."
"Ah— eh," hindi niya alam ang sasabihin kaya naman sumunod na lang siya rito.
Naglakad sila papasok sa malaking pinto. At sa bawat lakaran niya ay nakakakita siya ng mga bagay na ngayon lang niya nakita sa buong buhay niya.
"Ang ganda naman dito," natutuwang sabi niya. Tila ba nakalimutan ang dahilan kung bakit siya naroon sa magandang bahay na 'yon.
Pagpasok sa loob, may bumati sa kanilang medyo may edad na babae na naka-uniporme. Kaagad itong ngumiti sa lalaki at binati ito.
"Magandang hapon po, Sir Gael," bati ng matandang babae at sinulyapan siya nito. Alanganin siyang tinignan at tila sinusuri.
"And'yan na po ba sila Mama't Papa?" Tanong ng lalaki na tinawag ng matanda kanina na Gael. Hindi pa nga pala niya natanong ang pangalan ng lalaki kanina.
"Wala pa po ang Papa n'yo, Sir. Pero ang Mama n'yo at ang mga Santillan po, nasa gazebo na po," sagot ng matandang babae. Muli siyang sinulyapan na tila nagtataka kung sino siya, at ano ginagawa niya sa malaking bahay na 'yon?
"So, is Julia there?"
"Opo, Sir. Kasama po nila si Ma'am Julia."
"I see. Aakyat lang po kami, Manang. Pakisabi na lang na andito na po kami," utos ni Gael at hinila siya sa kamay.
Nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman ang mainit na palad nito na humawak sa kamay niya.
"Let's go," aya nito.
Humakbang na din naman siya dahil hawak-hawak nito ang kamay niya. Kaya wala siyang dahilan para hindi sumunod dito.
"Saan tayo pupunta?" Tanong niya, nang mapansin na tinatahak nila ang mataas na hagdan na mala-palasyo ang laki at taas.
"Sa kwarto ko," sagot ng lalaki.
Nanlaki ang mga mata niyang napasulyap dito.
"Ano?!"