Gael-3

1531 Words
Pagpasok nila sa malaking silid, doon pa lang binitawan ng lalaki ang kamay niya. Mabilis itong naglakad palapit sa bintana. Bahagya nitong tinaas ang blinds at sumilip doon. "They are here," dinig niyang sabi nito. Habang iniikot ang mga mata sa napakagandang silid na ang laki ay tila isang buong bahay na nila. "Okay, let me tell you what you need to do," narinig niyang sabi nito. Lumingon siya rito at naglakad ito palapit sa kinatatayuan niya. "Anya," tawag nito at hinila siya sa magkabilang braso. Nanatili lang siyang nakatingin sa gwapong lalaki. Iniupo siya nito sa kama. Natilihan siya at hindi alam ang gagawin. Ito na ba ang simula ng mga gagawin nila o kung ano pa man? "Sir," nakuha niyang sabihin sa nerbiyos. "Listen to me, Anya," simula nito. Habang hawak-hawak pa rin ang braso niya. "Please, do me a favor. Niligtas kita at sana iligtas mo rin ako," seryosong sabi nito. Kumunot ang noo niya, dahil hindi niya naiintindihan ang sinasabi nito. Paanong niligtas siya nito? At paano naman niya ito ililigtas? "Anong ibig mong sabihin?" "Binili kita, but the truth is I want to save you. Niligtas kita na baka mapahamak ka pag iba ang nakabili sa iyo," simula nito. "Ah?" Tanging nasabi niya. Dahil hindi niya maintindihan ang ibig nitong sabihin. Basta ang alam niya, binili siya nito para maikama at makuha ang pagka-birhen niya. "Listen, Anya. I'm Gael Saavedra, the youngest son sa Saavedra clan," sabi nito na kinagulat niya. Alam niyang mukhang mayaman ito. Napatunayan rin niyang mayaman nga ito nang dalhin siya sa bahay nito. Pero hindi niya naisip na isa itong Saavedra. Kinikilalang pinakamayaman sa bayan ng San Sebastian ang mga Saavedra. Lahat ng mga naglalakihang building, condo, malls, business establishment, at mga subdivision ay Saavedra ang nagmamay-ari. Kahit bata pa siya at mahirap ay alam niyang Saavedra ang pinakamayaman sa bayan nila. "Isa kang Saavedra?" Gulat na bulalas niya. "Yeah. Ako ang bunsong Saavedra. And binili na kita gamit ang sarili kong pera, Anya. I can promise more, basta tulungan mo lang ako," sabi nito at binitawan siya. Naglakad ito sa malaking silid. Sinundan lang niya ito ng tingin. At isa lang ang masasabi niya: meron itong magandang katawan. Magandang katawan na sa telebisyon lang niya nakikita o 'di naman kaya sa mga magazine sa palengke. "My parents want me to get engaged sa babaeng pinili nila para sa akin. And to think na hindi man lang nila ako tinanong kung payag ba ako?" simula nito at naupo sa sofa. Sinuklay ang mga daliri sa buhok nito. "Engaged?" Tanong niya habang nakatingin kay Gael na tila ba modelo sa pagkakaupo. "Yes. Sila ang pumili ng babaeng pakakasalan ko." "Pero parang ang bata mo pa para magpakasal," nasabi niya na tila ba naiintindihan niya ang sitwasyon nito. "That's not the point! The point here ay minamanduhan nila ako sa bagay na ako dapat ang magdesisyon para sa sarili ko. And what do I hate the most? Ay ang ipilit nila sa akin ang taong ayoko," may galit na sabi nito. Napalunok siya dahil hindi na niya alam ang sasabihin kahit naiintindihan niya ito. "Whatever! You are only eighteen. Hindi mo ako sigurado naiintindihan," sabi nito at tumayo mula sa kinauupuan. Sumilip ito sa bintana. Saka binalik sa kanya ang tingin nito. Nananatili naman siyang nakaupo sa malaking kama. "Here's the deal. Magpanggap kang girlfriend ko, Anya." "Ano? Girlfriend mo?" Gulat na tanong niya. "Why? You think pwede kang tumanggi? Baka nakakalimutan mo, nasa tiyahin mo na ang sampung libo." "Pero hindi naman ang magpanggap na girlfriend mo ang pinag-usapan," nakuha niyang isagot. Nakita niyang ngumisi ito. "Why? Mas gugustuhin mo ba na sulitin ko ang binayad ko sa iyo sa kama?" Napangiwi siya sa tanong nito. At may kakaibang naramdaman sa sinabi nito. "Hindi ba't mas madali kung magpanggap ka lang na girlfriend ko, kaysa sa makipagtalik sa akin?" patuloy nito at kinilabutan siya sa ginamit na salita nito. Hindi siya makasagot. Hindi niya alam ang isasagot. Mas madali nga naman kung magpapanggap lang siyang girlfriend nito kaysa sa may mangyari sa kanila, at maibigay niya ang pagkainosente niya rito. "Listen, Anya. Magpapanggap ka lang, walang mawawala sa iyo. And after that, you can still sell yourself again. You can demand a high price 'cause you are still a virgin. May puhunan ka pa after this," litanya nito na tila may tumusok sa dibdib niya. Alam naman niyang hindi siya kilala ni Gael. Kaya hindi niya ito masisisi kung ganoon ang isipin nito sa kanya. Na tila ba wala siyang alam gawin kundi ibenta ang sarili sa mga lalaki. Na tila ba pagkatapos niyang ibenta ang sarili rito ay ibebenta naman niya ang sarili sa iba. "Pero, walang maniniwala na girlfriend mo ako," malungkot na sagot niya. Dahil 'yon ang totoo. Sino bang maniniwala na ang isang tulad lang niya ang magiging girlfriend ng isang Gael Saavedra? Hindi siya nababagay rito. Isama pa na napakabata pa niya para patulan ni Gael. "I will make them believe," sagot nito at humakbang sa kinauupuan niya. "Basta sumunod ka lang sa mga sasabihin ko. And always say yes sa bawat tanong nila sa iyo." "Wala ka bang girlfriend na pwedeng iharap?" Nakuha niyang itanong. Dahil imposibleng wala itong girlfriend. Sa gwapo nito at isama pa na mayaman ito. "I don't do such a thing! Bakit ako mag-i-stick sa isa kung marami naman ang pwede?" sagot nito. Kahit bata pa siya, naintindihan niya ang ibig nitong sabihin. "Let's go," anyaya nito at hinila siya sa kamay. "Aray!" Tili niya. Halos kaladkarin pa siya nito palabas ng silid. Nang makalabas sila, isang matangkad na lalaki ang nakasalubong nila sa hallway. Naka-black business suit ito at seryoso ang mukha. Tulad ni Gael, gwapo at malakas ang dating ng nakasalubong nila. "Gael," tawag ng lalaki at sinulyapan siya. Nahihiya siyang nagyuko ng ulo nang makitang napakunot ng noo ang lalaki nang makita siya. Halatang hindi nito inaasahan ang makitang may kasamang batang babae si Gael. At nanggaling pa sila sa silid nito. "Kuya Gavin. Meet Anya, my girlfriend," pakilala ni Gael na kinagulat niya. Pero tulad nga ng sabi nito kanina, kailangan lang niyang gawin ay sumunod at umoo. "Girlfriend?" May pagdududa sa tanong ng kaharap nila na tinawag na Kuya ni Gael kanina. Marahil kapatid ito ni Gael. "Yes. She's here to meet all of you," sagot ni Gael. "Let's go, Anya," anyaya nito. Nauna na sila sa pagbaba ng hagdan. Nahihiya siyang sumulyap sa lalaking nakasunod ng tingin sa kanila ni Gael. "Sigurado ka na ba dito?" Bulong na tanong niya habang tinatahak nila ang daan papunta sa gazebo. Kung saan naroon ang mga magulang ni Gael na naghihintay dito. "Yes. And besides, hindi maliit na halaga ang one hundred thousand sa estudyante pa lang tulad ko," sagot nito. At tuluyan na silang lumabas sa malaking pinto at nagtungo sa gazebo kung saan tila may handaan at kasiyahan. "Ma! Pa!" tawag ni Gael na nagpabalikwas sa mga naroon. Agad niyang nakita ang magandang babae na nakasuot ng napakagandang bestida. Halatang mamahalin ang suot nito. Mahaba ang buhok nito na kinulutan sa may dulo. Nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa kanila ni Gael habang papalapit sa kinaroroonan ng mga ito. Hindi nakaligtas sa kanya ang masamang tingin ng babae sa kamay niyang hawak ni Gael. "Gael, hijo," tawag ng isa sa babaing may edad roon na marahil ina ni Gael. "Ma, I'm sorry we are late," paumanhin kunwari ni Gael. Lumapit sila sa tinawag nitong Ma. Humalik si Gael sa pisngi ng ina. Nananatili pa rin ang kamay nito na mahigpit na nakahawak sa kamay niya. Hindi naman siya tatakbo o tatakas, pero ganoon kahigpit ang hawak nito sa kanya. Kitang-kita niyang lalong nagtaas ng kilay ang magandang babaing nakaupo at masama ang tingin sa kanya. "Who's she, Gael?" Tanong ng magandang babae, na halatang hindi na ito makapaghintay. "Ah, well, she's Anya, my girlfriend," pakilala nito sa kanya na kinagulat ng mga naroon. Nalipat ang lahat ng mga mata sa kanya. Pakiramdam niya isa siyang daga na napapalibutan ng mga nag-gagandahang mga pusa. Pasimple siyang napahawak sa braso ni Gael dahil pakiramdam niya matutumba siya sa kaba. Kailangan niya ng suporta nito. Agad naman siyang inalalayan nito. Hinawakan siya nito sa siko at maya-maya pa ay pinulupot nito ang braso sa bewang niya. Nagtaasan ang mga balahibo niya sa batok. Napalunok siya nang maramdaman ang kakaibang pakiramdam. "Girlfriend?" Tanong ng magandang babae. "Anong kalokohan ito, Gael?!" Galit na tanong ng isa sa may edad na lalaki na marahil ama ni Gael. Mabilis namang pinigilan ng Mama ni Gael ang lalaki nang magbalak itong tumayo dahil sa galit. "I'm sorry, Julia, Mr. and Mrs. Santillan," simula ni Gael. Naramdaman niya ang paghigpit ng braso nito sa bewang niya. Pinisil pa nito ang kamay niyang hawak naman ng isa nitong kamay. "I can't marry Julia," patuloy nito. "What?!" Bulalas ng lahat ng naroon. Napakagat-labi siya at hindi alam ang gagawin. Kung bakit ba siya napasok sa ganitong sitwasyon? Hindi siya makapaniwala na nangyayari ang lahat ng ito. Tila kanina lang gumising siya sa bahay nila at ngayon tila siya nasa loob ng telebisyon at kasama sa isang telenovela.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD