TILA pinagsakluban nang langit at lupa si Rhodri nang iwan siyang mag-isa ni Mang Hulyo sa ospital. Nag-uunahang bumagsak ang luha sa kan’yang mga mata habang tahimik na pinagmamasdan si Dom. "Hon---- kung sino man ang gumawa nito sa ‘yo, patawarin ako ng Diyos sa posibleng gagawin ko sa demonyong iyon! Ibabalik ko sa kan’ya ng doble ang bawat sakit na pinaramdam niya sa iyo!” Kahit lumuluha si Rhodri ay pansin pa rin ang poot at galit sa kan’yang mga mata habang minamasahe ang mga daliri ni Dom. Bumalik ang diwa niya nang marinig niyang tumunog ang kan’yang cellphone. Agad niyang pinunasan ang kaniyang mga luha gamit ang kan'yang kamay nang makita niyang si Tatay Pedring ang tumatawag sa kan'ya. Huminga muna siya nang malalim bago sinagot ang tawag ng matanda. “Rhod, nahanap mo na ba

