“BOSS, kami na po ang bahala sa bangkay ng babaeng ito,” wika ng isang tauhan ni Vlademir. Tumango si Vlademir. “Narinig niyo naman siguro ang sinabi ng Boss natin kanina, ‘di ba?” galit na sambit ni Vlademir. “Opo, Boss! Doon namin sa kabilang isla dadalhin ang bangkay ng babaeng ‘to,” wika ng isa pang tauhan nito. Madaling araw nang makarating sa Isla Echeveria ang dalawang tauhan ni Vlademir. Ang isla na pag-aari ng yumaong asawa ni Rhodri, kung saan nakatira si Mang Hulyo kasama si Corazon. “Isa, dalawa, tatlo!” pagbibilang ni Arsing, sabay hagis ng katawan ni Dom sa isang bakanteng lote. “Sigurado ka bang patay na ang babaeng iyan, Arsing?” nag-aalalang wika ni Dagul. “Huh! Baka nakalimutan mo, Dagul, dalawang bala ang dumapo sa katawan ng babaeng iyan!” singhal ni Arsing. Nang

