HINDI mapakali si Leon dahil hindi niya mahanap sina Domenique at Rhodri. Ilang beses din siyang nagpabalik-balik sa reception area pero wala doon ang kaniyang hinahanap. Kaya dali-dali siyang pumunta sa kitchen area kung saan naroon sina Pedring at Soledad, sa pag-aakala niyang nandoon din si Domenique. “Oh, Leon! May kailangan ka ba?” nagtatakang tanong ni Pedring. “Ah, eh-- wala, Mang Pedring. Gusto ko lang kayong kumustahin ni Aling Soledad,” pagsisinungaling ni Leon. “Ayos lang kami rito, Leon,” wika naman ni Soledad. “Mabuti naman kung gano’n. Maiwan ko muna kayo. Siya nga pala, Mang Pedring, huwag mong kalimutang sabihin sa akin ‘pag naubusan kayo ng stocks dito sa kitchen,” wika ni Leon habang ang mga mata ay nakatingin sa dulong bahagi ng kusina. Nang makaalis na si Leon ay a

