BIGLANG nagising si Domenique nang marinig niya ang pagtunog ng cellphone ni Rhodri. Nang makita niyang si Dinah ang tumatawag ay agad niya itong ginising. Nang magising si Rhod ay nagtalukbong muna siya ng kumot sa katawan bago tumayo. “Yes, Dinah?” “Nakita mo na ba ang ang mga report na ipinadala ko sa iyo kagabi, Rhod?” "Hindi pa. I'll check back later kapag nakauwi na ako." “Uuwi ka ba sa mansion mamaya?” “Oo naman! Bakit?” “Akala ko mag-o-overtime ka sa opisina. Balak ko pa namang dalhan ka ng dinner mamaya.” Kunot-noong pinatay ni Rhodri ang kan’yang cellphone. Bigla siyang nagulat sa inasal ng kan’yang sekretarya, hindi siya sanay na dinadalhan siya nito ng pagkain. Pagkatapos nilang mag-usap ni Dinah ay agad siyang lumapit kay Domenique. Napakamot siya sa ulo nang makitang

