~DOMENIQUE~ NANG malapit na kami sa bahay ay tinext ko muna si Enzo. “Hoy, bakla! Malapit na kami sa bahay. You have to show your best acting sa daddy mo, para hindi niya mahalata ang kabaklaan mo!” “Tumahimik ka, Domenique! Pagdating mo rito, sasakalin talaga kita, bruha ka!” Lihim akong napangiti dahil alam kong kinakabahan na ang kaibigan ko sa mga oras na ito. Mula sa salamin ng sasakyan, napansin ko rin ang pagkabalisa ni nanay. Alam kong nag-aalala na rin siya sa sitwasyon ni Enzo, kaya tinext ko na rin siya. “Huwag po kayong mag-alala, ‘Nay. Tinext ko na po si Enzo, alam na rin niyang malapit na tayo sa bahay.” “Ewan ko, anak. Ako ‘tong nininerbiyos sa inyong dalawa ni Enzo, eh! Basta mamayang gabi, bantayan mo palagi ang tatay mo at baka malasing iyon, nako! Kapag nagkataon,

