~RHODRI~ ITO na ang araw na pinakahihintay ko at iyon ay ang makapunta sa probinsiya, kasama ang babaeng mahal ko. Alas tres pa lang ng madaling araw ay nagising na ako. Maingat akong bumangon para hindi maistorbo ang tulog ni Dom. Simula nang lumipat ng kuwarto si Dom ay magkatabi na kaming natutulog gabi-gabi dahil hindi ako makatulog kapag wala siya sa tabi ko. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako sa kusina para ayusin ang mga dadalhin namin sa probinsya. Pagdating ko sa kusina ay nagulat ako nang makita si Nanay Soledad at Tatay Pedring na nag-aayos ng mga gamit sa kusina. “’Tay, ‘nay? Ako na po ang bahala rito. May limang oras pa kayo para matulog.” “Nako, Rhod! Huwag kang mag-alala sa amin, sanay kami ni Soledad na gumising ng madaling araw," nakangiting saad ni T

