~RHODRI~ ALIW na aliw ako dahil sa pagpapatawa ni Tatay Pedring. Hindi halata sa mukha niya na sixty five years old na siya dahil sa pagiging palabiro niya. At dahil sa magiging madaldal niya, nalaman ko na lang na isa pala siyang taekwondo master noong kabataan niya at isa sa mga naging estudyante niya ay si Domenique. "Ibig mong sabihin, marunong mag karate si Dom?" takang tanong ko rito. Tumango siya sa akin.“Oo, Rhod! Doon unang nabighani si Enzo, eh! Pinatumba ni Dom ang lahat ng lalaking gustong manakit kay Enzo noon.” Gayunpaman, masaya na rin ako dahil kahit papaano ay may mga taong naging takbuhan ng anak ko kapag mayroon siyang mga problema, dahil alam kong hindi sinasabi sa akin ni Enzo ang kaniyang mga problema. At naiintindihan ko iyon. Kasalanan ko rin naman kung bakit l

