~DOMENIQUE~ PAGBABA ko sa sala, nadatnan kong nag-uusap sina tatay at Rhodri. Tatlong araw na ang parents ko rito sa mansion ng Echeverria, kaya hindi na ako nagtataka kung bakit naging close silang dalawa. Sanay na si tatay na may nakauusap sa probinsya namin, kaya alam kong naiinip siya rito kapag walang kumakausap sa kan'ya. At nagpapasalamat ako kay Rhodri dahil kahit papaano ay binibigyan niya ng oras si tatay na kausapin ito. Dumiretso na ako sa kusina kung saan naroon si nanay upang tulungan sa paghahanda ng aming almusal. “Good morning, ‘Nay.” Paglalambing ko sa kaniya habang nakayakap ako sa likod niya. Humarap si nanay sa akin saka hinaplos ang aking pisngi. “Maraming salamat, ‘nak.” Ngumiti si nanay. “Salamat saan? Nanay naman, eh. Ako nga ang dapat na magpasalamat sa

