“WAIT! Bakit ka nandito? Nasaan ang mga magulang mo?” wika ni Rhodri habang nakayakap pa rin kay Dom. “Nandoon sila sa kuwarto, pinagpahinga ko muna sila. Babalik na lang ako sa kanila mamaya pagkatapos kong ayusin ang mga damit ko sa closet," tugon n Dom. Ngumiti si Rhodri kay Dom. “Wala ka ng aayusin, Hon. Inayos ko na ang mga gamit mo.” Namangha si Dom nang makitang maayos ang pagkakaayos ng kaniyang mga gamit sa loob ng cabinet. Maging ang kaniyang mga panty at bra ay nakaayos din ayon sa mga kulay nito na naging dahilan ng pamumula ng kaniyang pisngi. Napansin ni Rhod na tila nahihiya ang dalaga sa kaniya kaya agad niyang nilapitan ito saka hinalikan sa labi. “Wala kang dapat ikahiya sa akin, Honey. I like what I do, so you don't have to worry.” Bulong ni Rhod habang hinuhubad an

