BASANG-basa ng pawis ang damit ni Rhodri dahil sa mainit na apoy na nagmumula sa kanilang nilulutong lechon na baboy. Upang maging komportable siya sa kaniyang ginagawa, hinubad niya ang kaniyang suot na t-shirt. Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman ay tahimik pala siyang pinagmamasdan ng mga bisita ni Domenique. Napalunok naman ang mga ito ng laway nang makita nila ang six-pack abs ni Rhodri. Naka-short at puting rubber shoes lang si Rhodri kaya kitang-kita ang matikas nitong katawan. "Sigurado ba kayong daddy ‘yon ng boyfriend ni Domenique?" wika ng isang babaeng may edad Bente-singko, na ang tinutukoy ay si Rhodri. “Hindi nga rin ako makapaniwala, eh! Tingnan niyo, oh! Ang guwapo niya!” tugon naman ng isa pang babae na animo’y kinikilig pa. Mula sa likuran nila, narinig pala ni Dom

