~DOMENIQUE~ PARA akong pinagsakluban ng langit at lupa nang hindi ako pinansin ni Rhodri. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit dahil na-miss ko na siya ng sobra, ngunit kailangan kong pigilan ang aking sarili. Kailangan kong maging maingat sa aking mga kilos dahil isang pagkakamali ko lamang ay maaaring makasira iyon sa imahinasyon nito sa kaniyang kumpanya. Palihim kong pinunasan ang luha ko habang nakayuko sa harapan niya. Pagbukas ng elevator sa ika-apat na palapag ay biglang sumigaw si Rhodri na ikinagulat ko naman. “Puwede na kayong lumabas!” Biglang nagkatinginan ang mga empleyado nang marinig nila ang sinabi nito. “Ano pa ang hinihintay ninyo? Lumabas na kayo at ibang elevator ang gamitin ninyo!” Napansin ko ang malalaking butil ng pawis sa noo nito habang nagsasalita. Habang is

