~RHODRI~ KARARATING lang namin sa lugar na kung saan ginanap ang aming field trip, ngunit gusto ko nang umuwi. Wala pang isang araw mula nang makita ko si Dom, ngunit nami-miss ko na agad siya. Para akong baliw sa kaiisip sa kaniya. Hindi ko na lang namamalayan na ngumingiti na pala akong mag-isa. Sa halip na mag-enjoy ay mas lalo lang akong nalungkot dahil hindi ko nasisilayan ang mukha ni Dom. Mayamaya ay nakatanggap ako ng mensahe mula sa presidente ng San Rio de University. Laking pasasalamat ko dahil tinanggap nila ang imbitasyon ko na kumuha ng estudyante sa university para maging ambassador sa kumpanya ko. “Sir? Mukhang ang saya-saya mo, ah!” Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Dinah. “Yes! Masaya ako dahil pumayag ang presidente ng San Rio sa invitation ko.” “Mabuti

