~DOMENIQUE~
ISANG buwan na mula nang lumipat ako sa mansyon ng kaibigan ko. At sa isang buwan ng pamamalagi ko sa mansyon ay halos mababaliw ako sa kakaisip kay Rhodri. Ang pangamba ko na baka hindi ko na makikita si Rhodri ay nagkatotoo nga.
Mula nang mag-field trip siya kasama ang kaniyang mga empleyado ay hindi pa siya bumalik sa mansyon. At iyon ang ipinagtataka ko.
“Grrr! Bakit hindi ka maalis sa isipan ko, Rhod! Nakakainis ka!” wika ko sa sarili ko habang nakaupo sa study table ng school.
Habang pinagpatuloy ko ang pag-aaral ng Thesis namin, mula sa likuran ko ay narinig kong nagtsitsismisan ang ibang estudyante.
“Alam niyo ba? Narinig ko kanina sa ibang estudyante, sinupalpal daw ng mga tanong ang buong grupo ni Mr. Echeverria ng bagong panel member ng Thesis Defense natin. Buti na lang matalino si Echeverria, kung hindi, bumagsak ang buong grupo nila!"
“Matalino talaga si Enzo, lalo na ang girlfriend niyang si Ponteras. Bagay na bagay nga silang dalawa, eh. Guwapo’t maganda na nga, ang tatalino pa!”
“Nako, sinabi mo pa! Tayo kaya? Natatakot ako na baka bumaba ang grades natin dito sa thesis dahil lang sa bagong panel member na ‘yan!”
Lihim akong natawa nang marinig ko ang pinag-uusapan nila. Hindi rin alam ng buong unibersidad na bakla si Enzo, kaya hanggang ngayon girlfriend/boyfriend pa rin ang tingin nila sa amin ng kaibigan ko.
“Teka! Sino kaya ang tinutukoy nila na bagong panel member ng Thesis Defense namin? Grabe naman siya! Kung makabagsak ng estudyante ‘kala mo hindi nakaranas na gumawa ng Thesis!” Bigla akong nakaramdam ng galit sa taong tinutukoy ng mga estudyante.
Mayamaya ay tumunog na ang bell ng principal's office, hudyat na ang grupo ko na ang susunod na maglalahad ng Thesis presentation sa mga panel member.
Nang magsimula na akong magpresenta, laking gulat ko nang biglang sumulpot si Rhodri mula sa pintuan ng Principal’s Office.
Doon ko lang napagtanto na ang abbreviation na Dir. R.E (Director Rhodri Echeverria) sa isang bakanteng mesa ay sa kaniya pala. Nabanggit pala sa akin ni Enzo noon, na isa sa mga Board of Director ang daddy niya sa San Rio de University. Kaya hindi malayong maging panel member din siya sa mga ganitong defense.
“Miss Ponteras? Excuse me, Miss Ponteras! Hindi ka pa ba ready para sa presentation mo?”
Bumalik ang diwa ko nang marinig ko ang pagtaas ng boses ni Rhodri. Totoo nga ang narinig ko mula sa mga estudyante kanina, nakatatakot nga ang boses niya.
Nanibago ako nang marinig ko ang malakas niyang boses. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit takot si Enzo sa daddy niya. Maging ang kaniyang mukha ay napakaseryoso na bumagay rin naman sa kaniyang makisig na katawan.
Magsisimula na sana akong mag-present nang biglang may pumasok na babae, maganda rin siya at nasa edad trenta.
Lumapit ang babae kay Rhodri at binigyan niya ito ng tubig. Tinanggap naman iyon ni Rhodri at saka ngumiti sa babae. Hindi ko alam kung bakit parang may tumusok sa dibdib ko nang makita kong ngumiti siya sa babae.
Napahawak ako bigla sa dibdib ko nang maramdaman ko ang pagkirot nito. Sa halip na pansinin ko si Rhodri, itinuon ko na lang ang buong atensiyon ko sa aking presentasyon. Sa mga sandaling ito ay iniisip ko na lang na hindi ko kilala si Rhodri. Iniisip ko na lang na isa siya sa mga terror kong professor!
Lumabas ang buong grupo namin sa Principal’s Office na may masasayang ngiti.
“Salamat, Dom. Kung hindi dahil sa iyo, malamang bagsak na kami ngayon.”
“Oo nga, Dom. Buti na lang at ikaw ang naging leader ng grupo namin. Totoo nga pa lang nakatatakot ang taong iyon!”
“Paano na lang kaya kung nagtuturo ‘yon dito sa university, nako!”
Ramdam ko ang saya sa mga mukha nila sa tuwing nagpapasalamat sila sa akin. Pero mas naramdaman ko ang takot nila kay Rhodri dahil sa pagiging istrikto niya.
Hindi ko na hinintay si Enzo, sa sobrang pagod ng aking katawan ay nauna na akong umuwi sa mansiyon. Kaya nag-taxi na lang ako.
Pagdating ko sa mansion ay dumiretso agad ako sa sala. Binagsak ko ang katawan ko sa sofa hanggang sa makatulog na ako.
Bigla akong nagising nang tumunog ang aking cellphone. Nang tingnan ko ay pangalan ni Enzo ang nakarehistro.
“Enzo naman, eh! Alam mo namang natutulog pa ako!” pagdadabog ko habang kinukusot ko ang aking buhok.
"Teka! Bakit ka pa tumatawag? Bakit hindi ka na lang lumapit sa akin, ha?!" pagrereklamo ko habang nakapikit pa rin.
“Anong pinagsasabi mo, Dom? Nananaginip ka pa yata, eh! Hindi ako umuwi kagabi! Nandito ako sa Isla Palau ngayon, makikipagkita ako sa foreigner kong boyfriend.”
“Ano?!”
“Hoy, Domenique! Gumising ka nga. Sira ba ang alarm clock mo riyan? Mag-a-alas singko na nang umaga, hoy!”
“Enzo, naman, eh! Anong ginagawa mo? Paano kung malaman ng daddy mo na wala ka rito sa mansion?”
“Huwag kang mag-alala. Hindi niya malalaman. At saka, palagi namang wala iyon sa mansion, eh! Basta ito lang ang tatandaan mo, pagkatapos mong ihanda ang mga pagkain niya, tawagan mo lang siya sa intercom. At kapag narinig mo na ang yabag niya sa hagdan, dumiretso ka na sa kuwarto mo para hindi ka na niya tanungin tungkol sa akin. Gets? Bye--”
“Ano na ang gagawin ko! Pahamak ka talaga, Enzo!” bulyaw ko habang kausap ko ang aking cellphone.
Nang tatayo na sana ako, nagtataka ako kung bakit nasa kama na ako. “Bakit ako nandito? Sa sala ako dumiretso kahapon, ah! Nananaginip lang siguro ako.” Matamlay akong tumayo saka nagpalit na ako ng damit.
Nakasanayan ko nang magsuot ng spaghetti shirt at mini skirt sa tuwing mag-isa lang ako sa mansyon. Lalo na ang hindi pagsusuot ng bra. Mas komportable akong gumawa ng mga gawaing bahay kapag wala akong suot na bra, kaya hindi ko na ito isinuot.
Simula ng hindi umuwi si Rhodri sa mansyon ay nakaugalian ko na ang paglilinis ng kuwarto niya. Katulad nga ng sinabi ni Enzo na ayaw ng daddy niya sa alikabok, kaya isinama ko na sa routine ko ang paglilinis ng buong kuwarto nito.
Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, habang pinupunasan ko ng tuwalya ang center table ng kuwarto ni Rhodri, laking gulat ko nang makita siyang lumabas mula sa shower room. Ngunit mas ikinagulat ko nang makita ko ang kahubaran niya.
Napalunok ako habang pinagmamasdan ang matitikas niyang katawan lalo na nang masilayan ko ang mahaba at naninigas niyang ugat.
“I’m sorry, Rhod--Dad!” Nauutal kong sambit habang nakatitig pa sa kaniya.
Halos mabigkas ko ang pangalan niya dahil sa kalituhan ng isip ko. Lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko nang mapansin kong papalapit siya sa akin.
“I’m sorry. Hindi ko alam na ikaw pala ang naglilinis ng kuwarto ko sa tuwing aalis ako ng mansion. At pasensiya kana, nakasanayan ko na rin na hindi magdadala ng towel sa loob ng banyo sa tuwing maliligo ako.”
Napaawang ang labi ko nang magsalita siya malapit sa akin. Wala akong ideya kung bakit lumapit siya sa akin.
“Hindi kaya, napapansin na rin niya ang pang-aakit ko sa kaniya? Dom! Ano itong kaguluhan ang pinasok mo!” Napalunok ako habang iniisip ko iyon.
Hindi ko akalain na hahantong sa ganito. Ang gusto ko lang naman ay mapansin niya ako. Ang mga ngiti niya sa akin ay sapat na para maging masaya ako. Pero ang makita siya sa ganitong sitwasyon? Hindi ko ito kakayanin!
“Magkunwari kang himatayin, Domenique! Bilis!” sigaw ng isip ko.
Itutulak ko sana siya, ngunit namanhid ang aking mga kamay nang mahawakan ko ang malapad at matigas niyang dibdib. Napatitig ako sa mga mata niya at ganoon din siya sa akin. Ang mabigat kong pakiramdam ay biglang gumaan nang hawakan niya ang aking labi.
“Alam mo bang napahanga mo ako sa kagalingan mo kahapon? Hmm? Katulad mo ang hinahanap ko sa aking kumpanya, Domenique. Sa lahat ng thesis defense presentation na nasaksihan ko kahapon, ikaw ang napili kong maging ambassador sa kumpanya ko.”
Gusto kong magsalita, pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. Nagsimulang uminit ang buong katawan ko ng magdikit ang aming mga katawan. Dahil sa manipis kong damit at walang suot na bra, naramdaman ko ang kiliti ng dibdib ko habang dumidikit ito sa matigas niyang dibdib. Hinatak niya ako ng mahigpit saka niya ako hinalikan sa labi.
Sa wari ko ay lumilipad ako sa kawanangan nang maglapat ang aming mga labi. Amoy na amoy ko ang mabangong hininga niya nang pumasok sa ilong ko ang mainit niyang hininga.
Napahawak ako sa kaniyang batok nang maramdaman ko ang paghaplos niya sa aking mga hita. Hindi ko namalayan na hinubad na pala ni Rhodri ang mga damit ko. Sa liit kong babae ay madali niya akong kinarga at inihiga sa kama niya.
Umusbong ang pag-init ng aking pakiramdam nang maglapat ang mga hubad naming mga katawan. Napaigtad ako nang maramdaman ko ang mainit niyang labi habang nilalaro ng dila niya ang dulo ng mga korona ng aking dibdib hanggang sa pababa ito ng pababa.
“Ugh!” biglang nasambit ko.
Napasinghap ako habang kinikiliti ng dila niya ang bawat gilid ng aking pagkabab*e. Kakaiba ang sarap na hatid nito sa akin. Wala ni katiting sa sarap ng paborito kong sorbetes.
“Daddy! Ahh!” Pagpipigil ko.
Gusto kong sumigaw ng malakas dahil sa sarap na aking nararamdaman, ngunit kailangan kong pigilan iyon.
“Huwag kang mahiyang sumigaw, Dom. Walang makaririnig sa iyo.” Bulong niya sa akin saka hinalikan ang aking labi.
Bigla akong nakaramdam ng hiya nang marinig ko ang sinabi niya. Hindi ko akalain na malalaman niya ang nasa isip ko. Ilang sandali pa ay bumalik na siya sa ibaba ko.
Mas lalo kong naramdaman ang kakaibang sarap nang ipasok niya ang dila niya sa loob ng aking kailaliman. Pilit kong inaangat ang mukha niya ngunit nagpupumiglas siya.
Ilang sandali lang ay pansin ko na ang pag-angat ng mukha niya. “Tapos na ba tayo, Dad?” Bigla kong tanong sa kaniya nang makita ko siyang dahan-dahan na tumayo.
Umiling siya at tumawa na ikinagulat ko naman. “Bakit ka tumawa, Dad?” nauutal kong bigkas.
“Hindi pa tayo tapos, of course!” Bulong niya sa akin at tila hinihingal.
Hinila niya ako papunta sa dulo ng kama at dahan-dahan na ibinuka ang aking mga hita.
Doon na nagsimula ang pangamba ko nang ibinuka niya ang mga hita ko. Gusto kong iwasan ang ginagawa niya, pero pinipigilan pa rin ako ng isip ko dahilan para hindi ko maigalaw ang katawan ko.
“Aray! Ahhh!” Napasigaw ako nang maramdaman ko ang pagkirot ng aking kailaliman habang sinusungkit ng isang matigas na bagay. Hindi ko inaakala na ganoon kasakit ang maramdaman ko dahilan ng pagtulo ng aking mga luha.
Mabilis niyang hinugot ang malaking ugat niya sa kailaliman ko. “Dom? Ano’ng ibig sabihin nito?" Napansin ko ang pag-aalala sa mukha niya.
"Masakit, Dad--" umiiyak kong sabi sa kaniya.
Hinalikan niya ang labi ko saka pinunasan ang aking mga luha.