7: LUNGKOT

1577 Words
~DOMENIQUE~ GUSTO kong sumigaw sa tuwa habang pababa ako sa hagdan ng swimming pool. Upang hindi ako mapasigaw, nilublob ko ang mukha ko sa tubig at saka hinayaan na lumitaw ang katawan ko sa ibabaw ng tubig. Ngunit habang ginagawa ko iyon, naramdaman kong may mga kamay na humawak sa baywang ko, kaya dali-dali ko nang inangat ang mukha ko. Nagulat ako nang makita ko ang mukha ni Rhodri. Ngunit bigla rin akong natawa nang marinig ko ang sinabi niya. Hindi ko inaasahan na mag-aalala rin siya dahil matagal kong nilublob ang mukha ko sa tubig. Biglang nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ulit ang matamis niyang halik. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at sundan ng labi ko ang ginagawa niya. Subali’t kailangan kong pigilan ang sarili ko dahil kapag ginawa ko iyon, baka iisipin niya na nagpapanggap lang kami ni Enzo. Gayunpaman, habang tumatagal ay may naramdaman akong mainit na parte ng katawan ko. Kahit nga ang lamig ng tubig sa swimming pool ay hindi ko na napansin. Lalo na ng maramdaman ko ang kamay niya sa puson ko, hindi ko na namalayan na hinahaplos ko na rin pala ang malapad niyang dibdib. Ramdam na ramdam ko ang matigas niyang dibdib habang magkadikit ang aming mga katawan. “Gusto kita, Rhodri!” sigaw ng isip ko habang magkadikit pa rin ang aming mga labi. Habang nakapikit ako ay naramdaman kong lumalayo ang labi niya sa labi ko. Nang imulat ko ang aking mga mata, pakiramdam ko ay namumula ang aking pisngi dahil sa hiya. Nagmamadali siyang umahon sa swimming pool, saka pumasok na sa mansion. “Anong nangyayari sa kaniya? Narinig niya ba ang sinabi ko na gusto ko siya? Pero parang imposible naman yata, alam kong ibinulong ko lang ‘yon sa sarili ko." Dahil sa sarap ng tubig ng swimming pool, tatlong oras din akong nag-swimming. Matapos kong nagbanlaw ay agad na rin akong nagbihis. Mag-a-alas onse na kaya kailangan ko nang magluto ng tanghalian namin. Pero bago ako lumabas ng kuwarto ay nagpalit muna ako ng damit. Kaya naisipan kong isuot ang cleavage cut shirt na binigay sa akin ni Enzo noon. “Aba! Isang malaking himala, Domenique! ” pang-aasar sa akin ni Enzo paglabas ko ng kuwarto. "Bakit, may problema ba sa suot ko?" Nagkukunwari akong hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya. Tumawa siya saka nagsalita. “Pero in fairness, Dom, ha? Bagay naman pala sa iyo ang damit na iyan. Bakit hindi mo isuot iyan kapag lalabas tayo, hmm? Bakit dito mo sa bahay sinusuot iyan? Eh, wala namang papansin sa iyo rito ‘no!” Pagtataray nito sa akin. Napaubo ako dahil sa sinabi niya. “Ewan ko sa iyo!” Hindi ko na siya pinansin, agad na akong nagtungo sa kusina para magluto. “Wow! Ang ganda naman nitong apron. Paborito ko pang kulay!” Napamangha ako sa kulay rosas na apron, kaya agad ko itong isinuot. Habang tinitikman ko ang niluto kong ulam, napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Rhodri. Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya dahil sa nangyari sa amin kanina sa pool. Pagkatapos kong magluto ay inihanda ko na ang mesa. Bago ako umupo, tinanggal ko muna ang suot kong apron. Upang hindi masayang ang damit na sinuot ko, sa harap na ako ni Rhodri umupo. Inayos kung mabuti ang aking damit, para mas mapansin niya pa ang cleavage ko. Bawat subo ni Rhodri, pansin ko ang pagkabalisa niya. Hindi siya makatingin sa akin ng diretso. “Naiilang ba siya sa akin dahil sa nangyari sa amin kanina?” ani ko sa sarili. Napatayo ako nang marinig ko ang biglaang pag-ubo niya. Hinahaplos ko ang likod niya para pakalmahin ang ubo niya. “Ayos lang po kayo, Dad?” tanong ko sa kaniya. Ngunit hindi niya ako sinagot, tumayo siya saka umakyat papunta sa kuwarto niya. "Nasaan si Dad, Dom?" wika ni Enzo habang bitbit ang tubig ng daddy niya. “Kukunin lang daw niya ang gamot niya sa itaas, mamaya na lang daw siya kakain,” tugon ko kay Enzo. Pagbalik ko sa upuan ko, tinanong ko si Enzo. “May sakit ba ang daddy mo, Enzo?” nagtatakang wika ko. “Wala naman siguro. Bakit?” Napailing ako sa sagot ng kaibigan ko. “Grabe ka, Enzo. Wala ka man lang pakialam sa kalusugan ng daddy mo?” Napatigil si Enzo sa pagsubo nang marinig niya ang sinabi ko. “Wala nga siyang pakialam sa akin na anak niya ako, Dom, eh! Ni hindi niya nga ako kinakausap. Napapansin mo naman iyon siguro ‘di ba?” Tumayo ako, saka lumapit sa kaibigan ko. "Sorry." Niyakap ko siya. “Minsan nga lang siyang umuuwi rito, eh! Kung hindi ko kayo nakilala nila Nanay at Tatay, siguro matagal na akong tumalon sa building ng San Rio,” hagulgol na sambit niya. “Ano ka ba! Ayan ka na naman, eh! Sorry na nga, ‘di ba? I love you, Enzo.” Napaiyak na rin ako dahil ka-drama-han ng kaibigan ko. Nang bumalik na sa kuwarto si Enzo, naiwan akong mag-isa sa kusina. Iniisip ko kung paano pagbatiin ang mag-amang ito. Minsan nang naikuwento sa akin ni Enzo na hindi sila close ng daddy niya. Kaya nga hindi alam ni Rhodri na hindi tunay na lalaki ang nag-iisang anak niya. Kaya ganoon na lang kamahal ni Enzo ang mga magulang ko nang makilala niya ang mga ito. Dahil ang pagmamahal na ipinaramdam ng aking mga magulang kay Enzo, ni minsan ma’y hindi niya nararamdaman sa piling ng kaniyang daddy. Pagkatapos kong magligpit ng mga pinagkainan namin, naisipan kong dalhan ng pagkain si Rhodri sa kaniyang kuwarto. Laking gulat ko nang makita ko ang kabuuan ng kuwarto niya. Kapansin-pansin ang malawak nitong espasyo dahil sa puting kulay ng buong kuwarto. Maging ang mga kurtina, bed sheet, kumot at unan halos lahat ay kulay puti. May sarili rin siyang living area sa loob ng kuwarto niya. Maging ang telebisyon nito ay halos isang daang pulgada ang laki. “Wow! Ang ganda ng kuwarto niya. Akala ko kuwarto ko lang ang malaki, may mas malaki pa pala sa kuwartong iyon!” sabi ko sa sarili ko. Nilapag ko agad ang pagkain niya sa center table. Pagtayo ko ay tinanong ko siya kung kumusta na ang pakiramdam niya. Pero hindi niya ako sinagot. Bigla niya akong hinila palapit sa kaniya saka ako hinalikan sa labi. Mapusok ang mga halik ni Rhodri, hindi tulad kanina noong nasa swimming pool pa kami. Ipinasok niya ang dila niya sa loob ng bibig ko at mainit ko namang tinanggap iyon. Hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya. Gusto ko siyang itulak, ngunit may ibang parte ng aking katawan na gusto ang kaniyang mga ginagawa. Unti-unti na ring gumagalaw ang aking dila at marahan kong ipinasok ito sa kaniyang bibig. Wala akong alam sa mga ganito, basta sinunod ko na lang kung ano ang idinidikta ng puso ko. Napatigil ako sa ginagawa ko ng bigla kong naisip ‘yong sinabi niya kanina sa kusina. Bigla akong nalungkot nang sabihin niyang magpi-field trip siya kasama ang mga empleyado niya. Gusto ko siyang pigilan, pero alam kong hindi ko magagawa iyon at wala ako sa posisyon na diktahan ang mga gusto niya. Nabigla ako nang magsalita siya. Hindi ako makapaniwala sa tanong niya dahil sa totoo lang ay hindi ko iyon inaasahan mula sa kaniya. Hindi ko alam ang isasagot ko, kaya nagmamadali na akong lumabas sa kaniyang kuwarto. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama habang iniisip ang tanong sa akin ni Rhodri. Buti na lang at napigilan ko pa ang aking sarili. Dahil kung hindi, baka sinabi ko na sa kaniya na siya ang mahal ko at hindi ang anak niya! Hindi ko alam kung paano magmahal, pero isa lang ang sigurado ko at iyon ay ang gusto kong makasama si Rhodri sa bawat araw at gusto kong punan ang malungkot niyang buhay. Ang pagpapahalagang nararamdaman ko para kay Rhodri ay higit pa sa nararamdaman ko sa pagkakaibigan namin ni Enzo. Iniisip ko pa lang na magbabakasyon si Rhodri ng isang linggo ay nalulungkot na ako. Paano pa kaya kung hindi na niya ako papansinin. Hindi ko kakayanin iyon. Sigurado ako, hindi kakayanin ng aking puso! Habang iniisip ko iyon, hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. “Puwede ba akong pumasok, Dom?” Lihim kong pinunasan ang aking mga luha nang marinig ko ang boses ni Enzo. Tumango ako saka umupo sa gilid ng kama. Pinilit kong ngumiti ng tumabi sa akin si Enzo. “Sorry nga pala sa mga sinabi ko kanina, ha?” wika ni Enzo habang minamasahe ang aking mga daliri. Hindi ko na napigilan ang emosyon ko, bigla akong napaluha at niyakap si Enzo. Kahit papaano ay nabawasan ang aking kalungkutan nang umiyak ako sa balikat ng aking kaibigan. “I’m sorry na, oh. Hindi ko naman sinasadya iyon, eh!” Natawa na lang ako nang marinig ko ang sinabi ni Enzo. Hindi niya alam na hindi siya ang dahilan ng pag-iyak ko. “I love you, Domenique.” Pansin ko na rin ang nangingilid na mga luha ng aking best friend. Pinunasan ko ang mga luha niya gamit ang aking mga kamay. “I love you too, Enzo.” “Walang iwanan, ha?” hikbing wika niya. Tumango ako. “Promise!” “Promise mo ‘yan, ha?!” Pagtataray niya at sabay na kaming tumawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD