~RHODRI~
GUSTO kong halikan ang labi niya kanina habang tinatanggal ko ang bubble gum na dumikit sa labi niya. Ngunit kailangan kong pigilan ang aking sarili dahil iyon tama.
Alam kong magkakaroon na ako ng apo dahil nagsasama na ang anak ko at ang fiancee niya. Kapag nagkataon, nakahihiya iyon sa mga magiging apo ko.
Kinabukasan, nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa balat ko. Nakasanayan ko nang buksan ang bintana ng aking kuwarto, kaya malayang nakapapasok ang sikat ng araw sa aking kuwarto. At dahil wala naman akong pasok, sa halip na maligo sa banyo ay napagdesisyonan ko na sa swimming pool na lang ako maliligo.
Suot ang sunglass ko habang nakaupo sa lounge chair sa gilid ng swimming pool, napatingin ako kay Dom habang papalapit sa kinaroroonan ko. Nakasuot siya ng pulang swimsuit na bumagay naman sa kaniyang balingkinitang katawan.
"Wow!" Mas lalo akong namangha sa kagandahan niya nang makita ko ang maliit niyang mukha na natatakpan ng buhok niya habang nililipad ito ng hangin.
"Ang suwerte ng anak ko sa iyo, Dom!" tanging nasambit ko habang palihim na nakatitig sa kaniya.
Napalunok ako habang iniisip ang kahibangan ng aking isipan. Mayamaya, bigla akong napatayo nang marinig ko ang biglaang pag-ubo ni Dom.
Nang makalapit na ako sa kaniya, sa pangalawang pagkakataon ay muling nagtama ang aming mga mata. Ang mga mata niya na aking iniiwasan noong una pa lang kaming nagkita.
Muli akong nakaramdam ng kaba habang ang mga kamay ko ay nakadikit sa kaniyang likod habang tinatapik ko ito.
“Salamat po, Daddy.”
Para akong dinuduyan sa tuwa nang marinig ko ang pagtawag niya ng ‘Daddy’ sa akin. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nagagalit nang marinig ko iyon.
Ang boses niya ay parang anghel na bumubulong sa akin dahilan para unti-unti na maibsan ang lungkot na matagal nang bumabagabag sa aking damdamin.
"Sana, naging akin ka na lang, Domenique." Bigla kong ibinaling ang aking tingin sa swimming pool nang maisip ko ang katagang iyon.
“Sige na, Dom. Maligo ka na.” Tumango siya saka bumaba sa swimming pool.
Napahawak ako sa dibdib ko nang maisip ko ulit ang aking kahibangan. Sa pagkakataong ito, sigurado akong hindi lang isip ko ang nagsasaad nito, kung ‘di pati na rin ang puso ko.
Babalik na sana ako sa loob ng mansyon nang mapansin ko si Dom habang lumulutang sa tubig. Dahil sa sobrang pag-aalala ko, bigla akong tumalon sa swimming pool saka lumapit sa kan'ya.
“Dom!” biglang kong sigaw habang nakahawak sa baywang niya.
“Dad? Bakit po?” Pansin ko ang pag-alala sa kaniyang mukha.
“I’m sorry, akala ko kasi nalunod ka na.”
Tumawa siya ng malakas habang nakatingin sa akin. “Sorry din po, Dad! Mag-ama nga kayo ni Enzo. Ganiyan din ang reaction ni Enzo noong unang beses naming mag- swimming. Akala niya nalulunod na ako. Pero ganito talaga ako kapag nagsu-swimming. Sorry po kung hindi ko sinabi sa ‘yo kani--”
Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. Habang pinagmamasdan ko ang maamo niyang mukha ay hindi ko na napigilan ang aking emosyon. Bigla kong hinalikan ang labi niya habang nakapulupot pa ang mga kamay ko sa maliit niyang baywang.
Naka panty at bra lang siya, habang ako naman ay naka swimming trunk. Kaya ramdam na ramdam ng katawan ko ang malulusog niyang dibdib na dumidikit din sa aking dibdib.
Napahigpit ang yakap ko sa baywang niya nang maramdaman ko rin ang mga kamay niya na dumikit na sa dibdib ko. Ang malamig ng tubig mula sa swimming pool ay hindi ko na alintana dahil sa init na nasa loob ng aking katawan.
Ang malikot kong kamay ay dahan-dahan na gumagalaw pababa sa kaniyang puson. Papasok na sana ang daliri ko sa ilalim ng panty niya, ngunit napatigil ako sa ginagawa ko dahil naramdaman ko ang pagtigas ng ibabang parte ng katawan ko na kanina ko pa pilit na pinipigilan.
“I’m sorry, Dom. Mauna na ako sa iyo.”
Mabilis akong umakyat sa pool at saka nagmamadaling pumasok sa mansyon.
Pagdating ko sa kuwarto ko dumiretso agad ako sa banyo. Habang iniisip ko ang nangyari sa amin kanina ni Dom, bigla akong napahugot sa aking kargada. Saka ko inilabas ang init ng aking katawan na kanina ko pa pinipigilan.
"Ahhh!" Pagpipigil ko.
Alas onse nang umaga ay bumaba na ako sa kusina para ihanda ang aking tanghalian. Ngunit pagdating ko sa kusina, nagulat ako nang makita ko si Dom habang nagluluto.
“Dom? Bakit ka nandito? Wala ba kayong pasok ni Enzo ngayon?” nagtatakang tanong ko.
“Wala po, Dad.” Pansin ko ang pagkabalisa niya kaya nilapitan ko na siya.
“I’m sorry nga pala sa nangyari kanina, Dom. Hindi ko sinasadya.” Tumango siya saka ngumiti na ikinatuwa ko naman.
“Hi, Dad! Nandito ka pala! Wala ka bang pasok ngayon?” Napalingon ako nang marinig ko ang boses ng aking anak.
“Yes, son! Free day ko ngayon. Siya nga pala, baka hindi ako makauwi ng isang linggo sa mansyon. Magkakaroon kasi ng field trip, kasama ang lahat ng ating mga empleyado.”
“Good for you, Dad! Para ma- relax naman po ang katawan ninyo.”
“Sweety! Tapos na ba ang niluluto mo?”
Bigla na naman akong nalungkot nang makita kong niyayakap patalikod si Dom ng aking anak.
“Hoy, Rhodri! Mahiya ka naman, sarili mong anak, pinagseselosan mo!” sigaw ng isip ko.
“Alam mo ba, Dad? Masarap magluto itong si Dom. Manang-mana sa mga magulang niya.” Ramdam na ramdam ko ang sobrang saya ni Enzo kasama si Dom.
“Oh, really? Mabuti naman at nakilala mo na pala ang mga magulang ni Dom. Masaya ako para sa iyo, anak. Lalo na at tulad ni Dom ang napili mo.” Napangiti ako pero sa loob ng dibdib ko ay may kung anong bagay na tumutusok dito.
“Food is ready!”
Mula sa kinatatayuan ko, lihim akong napangiti nang makita ko ang masiglang mukha ni Dom. Ang ganda niyang pagmasdan dahil sa suot niyang apron na kulay rosas.
“Wow! Totoo nga ang sinabi mo, Son. Ang sarap ngang magluto ng fiancee mo!”
“Thanks, Dad!”
“Sht! Bakit ang sarap sa tainga ‘pag tinatawag mo akong ‘Dad’, Dom!” wika ko sa sarili.
Sa harapan ko umupo si Dom, kaya kitang-kita ng mga mata ko ang kurbadang dibdib niya dahil sa cleavage shirt cut na suot niya, dahilan upang maubo ako.
“Ayos lang po kayo, Dad? Pakikuha ng tubig, Enzo!”
Bawat haplos ni Dom sa likod ko, kasabay nito ay ang pag-init na naman ng katawan ko. Lalo na't nakatutok din ang dibdib niya sa harapan ko. Bigla akong napatayo dahil sa kaba.
“Dad? Saan po kayo pupunta?” tanong ni Dom sa akin.
“Aakyat lang ako sandali, kukunin ko lang ang gamot ko.” Pagdadahilan ko sa kaniya.
Nagsimulang tumulo ang mga pawis ko pagpasok ko sa kuwarto ko. Naghintay ako ng thirty minutes bago bababa sa kusina. Kaya nagpasya akong humiga muna.
Ilang sandali pa ay may kumatok sa pinto ko. At pagbukas ko, parang lumundag ang dibdib ko sa tuwa nang makita ko ang mukha ni Dom.
“Dinalhan na kita ng pagkain, Dad. Para hindi kana bumaba.”
Ngumiti ako. “Thank you, Dom. Pasok ka.”
“Kainin mo na agad iyan, Dad, habang mainit pa. Kumusta na po ang pakiramdam mo?”
Sa halip na sagutin ko ang mga tanong niya ay nilapitan ko siya at agad kong hinawakan ang batok niya saka siya hinalikan sa labi.
Lagi kong tinatanong sa sarili ko kung mahal ba ni Dom ang anak ko. Dahil sa tuwing hinahalikan ko ang labi niya, ni minsan ma’y hindi ko narinig na nagreklamo siya sa mga ginagawa ko sa kaniya. Bagkus ay hinahayaan niya lang ako.
“Dom? Mahal mo ba ang anak ko?” biglang sambit ko. Ngunit hindi niya ako sinagot. Tahimik lang siyang lumabas ng aking kuwarto.
Napahawak ako sa aking ulo dahil sa ginawa ko. “Ahh! Sht! Bakit ko sinabi sa kaniya iyon?!”
Pero paano kung sinagot niya ang tanong ko? Paano kung sasabihin niya na trip lang niya na sakyan ang mga ginagawa ko sa kaniya?! Mas lalong hindi iyon kakayanin ng puso ko kung sakaling iyon ang sagot niya sa tanong ko!
Hindi pa kaya ng puso ko na masaktan ulit. Maraming taon kong nilalabanan ang kalungkutan, simula nang mamatay ang aking asawa. Kaya sa pagkakataong ito ay susundin ko na lang muna ang sinisigaw ng puso ko.