5: SWIMSUIT

1512 Words
~DOMENIQUE~ "Ehem!" Nagulat ako ng biglang sumulpot si Rhodri sa harapan ko. “s**t! Nakita kaya niyang inaamoy ko ang damit niya? Nakahihiya ka talaga, Domenique!” sigaw ng isip ko. “Yes, Dad! May kailangan ka ba?” Nagkunwari ako na hindi ko hawak ang damit niya. Nilagay niya ang mga kamay niya sa kaniyang bulsa at saka nagsalita. "Akin na ang polo ko para malabhan ko na." “Maglalaba po kayo?” bigla kong sambit. Tumango siya saka ngumiti. “Yes!” Para akong kandila na tila natutunaw nang makita ko siyang ngumiti. Gaya ni Enzo, may biloy rin ang daddy niya na bumagay rin sa kaniyang maskuladong panga. “Ano ba, Rhodri! Huwag mo akong ngitian. Malalaglag ang panty ko dahil sa iyo, eh!” ani ko sa sarili. Gusto kong sumigaw ng malakas upang mapawi ang sobrang kilig na nararamdaman ko. Para akong lumilipad sa ulap habang nakatitig sa mukha niya. “Ayos ka lang, Dom? I said, akin na ang damit ko," pag-uulit nito Agad ko naman itong binigay sa kaniya. Dahil sa kaba ko, hindi ko namalayan na nahawakan ko na pala ang kamay niya. Sa unang pagkakataon ay nagtama ang aming mga mata. Habang nakatitig ako sa mga mata niya, napansin ko ang lungkot na nanggagaling mula rito. Ang kilig na aking nararamdaman ay napalitan ng pagkaawa sa kaniya. Gusto ko siyang lapitan, saka yakapin. “Ako na po ang maglalaba ng damit mo, Dad,” tanging boses na lumabas mula sa bibig ko. “It’s okay. Pumunta ka na lang sa fiancee mo. Mas kailangan ka niya roon.” Tila kumirot ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Parang gusto kong sabihin sa kaniya na wala kaming relasyon ng anak niya. Pagkatapos niyang kunin ang damit niya sa akin ay agad na siyang umakyat sa kuwarto niya. Nanlalambot ang magkabilang tuhod ko habang papasok ako sa kuwarto namin ni Enzo. Sa halip na tulungan si Enzo sa pag-aayos na aking mga damit ay ibinagsak ko na lang ang aking katawan sa malambot na kama. “Hoy, Dom! Ano na namang drama ‘yan? Ha?” Umupo ako saka kinausap si Enzo. “Besh? Hindi ka ba naaawa sa daddy mo?” “Bakit?" kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Tiningnan niya ako sa mga mata saka muling nagsalita. “Teka nga! Anong nakain mo at naisipan mong itanong ‘yan? Ha?” “Wala lang. Napansin ko kasi kanina, parang malungkot siya.” Umupo si Enzo sa tabi ko habang patuloy na tinutupi ang aking mga damit. “Simula nang mamatay si Mom, malungkot na talaga si Dad. Kaya buong buhay niya ay nakatutok lang sa kumpanya namin.” “’Di ba, five years old ka pa lang nang mawala ang mommy mo? Bakit hindi siya nag-asawang muli?” “Iyon nga ang ipinagtataka ko, eh. Marami naman siyang mga kasosyo na mga single.” “’Di ba sabi mo, minsan lang siyang umuuwi rito? Anong dahilan niya?” Huminga ng malalim si Enzo bago nagsalita. “Alam mo, Dom? Para kay Mommy talaga ang mansion na ito. Bibigyan sana siya ni Dad ng surprise gift sa birthday niya. Pero si Dad ang na-surprise. Inatake sa puso si Mommy noong araw mismo ng kaarawan niya,” humihikbing wika ni Enzo. Niyakap ko si Enzo saka tinatapik ang likod niya. “I’m sorry, Besh.” Naiyak din ako dahil sa masakit na karanasan ng best friend ko. Pero mas nasaktan ako para kay Rhodri at iyon ang hindi ko alam. “’Yon din ang dahilan kung bakit ayaw mag-asawang muli ni Dad. Lagi niyang sinasabi sa akin na walang ibang babae ang titira sa bahay na ito. Ayaw niyang makakita ng ibang babae na pumupunta rito dahil para kay Mommy lang talaga ang mansyon na ito.” Nabigla ako sa narinig ko mula kay Enzo. “Pero, bakit niya ako pinatira dito?” nauutal kong sambit. “Pati nga ako nabigla sa desisyon niya, eh. Ang akala ko, doon tayo sa condo ko titira.” Sinapak ko siya sa batok. “Gaga! Sa tingin mo ba papayag ako na tumira sa condo mo? Ha?!” “Aray, Dom! At bakit? Sa palagay mo ba, isasama kita sa condo ko? Huh! Never, Domenique! Magiging sagabal ka lang sa gagawin namin ng mga boyfriend ko. Baka mamaya, agawin mo pa sila sa akin, eh!” Pagtataray nito sa akin. “Eww! Kahit gaano kaguwapo pa ang ibigay mo sa akin, hindi ako papatol, hoy!” Tumawa siya bago nagsalita, na ikinainis ko naman. “Kung ‘yan ang gusto mo, susuportahan kita. Hahayaan kitang maging matandang dalaga. Hahayan kitang maging matanda na hindi nakatikim ng malaking palo!” "Enzo!" bulalas ko sabay takip sa tainga ko. Hindi ko na narinig ang iba niyang sinabi. Mayamaya ay bigla na naman siyang nagsalita. “Dom? Sigurado ka bang ayaw mong magka-boyfriend? Alam mo ba kung gaano kasarap kapag may nagmamasahe sa iyo tuwing gabi?” “Tumahimik ka, Bakla!” sigaw ko sa kaniya. Bigla niyang akong nilapitan saka tinakpan ang bibig ko. “Dom naman, eh! ‘Di ba sabi ko huwag mong mabanggit iyan kapag nandito si Dad?!” “Kung ayaw mong tawagin kitang ‘Bakla’, tumahimik ka, okay?” bulong ko sa kaniya. Tumango siya. “Fine!” Nang bumalik ako sa aking pagkahiga ay muling nagsalita si Enzo. “Sarap ninyong pag-untugin ni Dad! Kung magkasing-edad lang kayo ni Dad, siguradong ibibigay ko siya sa iyo! Pareho kayong mapili, tseh!” Bigla akong napaubo nang marinig ko ang sinabi ni Enzo. “Oh, nakikita mo? Pati kay Dad ay nagiging allergic ka na rin," biro nito sa akin. “Sige na. Magpahinga ka na at doon na ako sa kuwarto ko. Huwag mong kalimutan na i-lock itong kuwarto mo, okay?” Napatakbo ako papalapit kay Enzo nang marinig ko ang sinabi niya. “Teka! Bakit ko ila-lock? May multo ba rito?” Sinapak niya ako sa balakang. “Tumigil ka nga, Dom! Anong multong pinagsasabi mo? I-lock mo ang pinto, para hindi malaman ni Dad na hindi tayo magkasama sa kuwartong ito!” “Ibig mong sabihin, sa akin lang ang kuwartong ito?” “Gaga ka talaga, ‘no? Sa tingin mo ba matutulog ako na katabi ka? Of course, not!” bulyaw niya sabay pitik sa noo ko. “Mag-boyfriend ka na kasi! Ano-ano na lang ang iniisip mo, Domenique!” wika ni Enzo habang papalabas ng aking kuwarto. Nasa taas ang kuwarto ng daddy ni Enzo habang nasa baba naman ang kuwarto namin, kaya safe ang pagkukunwari namin ng aking kaibigan. Kinabukasan, maaga akong nagising. Pagbukas ko ng kurtina sa bintana ng aking kuwarto ay tanaw ko ang makisig na katawan ni Rhodri. Naka-swimming trunk lang ito habang nakatihaya sa lounge chair na nasa gilid ng swimming pool. “Ano ba ‘yan! Ang aga mo akong pinakilig, Rhodri!” Napatili ako dahil sa kilig habang nakakapit sa kurtina. Upang makalapit ako sa kaniya, nag-isip ako ng paraan. Nagmamadali akong pumasok sa kuwarto ni Enzo upang anyayahan ito na mag-swimming. “Ano ba, Dom! Natutulog pa ako!” Pagrereklamo ng bakla sa akin. “Ilang beses ko nang sinabi sa ‘yo na matulog ka nang maaga! Puro ka kasi vedio call sa mga boyfriend mo! Syuta ka!” bulyaw ko sa kaniya. Bigla naman niyang tinakpan ang bibig ko. “Huwag kang maingay sabi, eh! Marinig ka ni Dad, Dom!” galit na sambit nito. “Sige na! Lumabas ka na ng kuwarto ko! Mag-swimming ka kung gusto mo! Inaantok pa ako, eh!” Pagtataboy niya sa akin. Bago ko isinara ang pinto ng kaniyang kuwarto ay sinigawan ko muna siya. “Pahiram ako ng bikini mo, Enzo!” “Domenique!” Sabay hagis ng unan niya sa kinaroroonan ko. Natawa na lang ako nang marinig ko ang malakas na sigaw ng aking best friend. Suot ko ang kulay pula na swim suit habang naglalakad ako sa gilid ng swimming pool. Sinadya kong ilugay ang lagpas balikat na buhok ko at hinayaan ko itong lumilipad sa hangin. Dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan ni Rhodri at nagkunwari ako na hindi ko siya napansin. Sa buong buhay ko ay never pa akong nakaranas na magkaroon ng crush. First crush ko ang daddy ng aking best friend, kaya para sa akin ay normal lang itong mga pagpapapansin na ginagawa ko. Aksidenteng nagtama muli ang aming paningin at napansin ko ang kaniyang lalagukan habang ito ay gumagalaw. “Napalunok yata siya nang makita ang kaseksihan ko!” Bigla akong napaubo dahil sa aking naiisip. “Hey, Domenique! Ayos ka lang?” Nagmamadali siyang lumapit sa akin saka tinatapik ang likod ko. Bawat pagtapik niya sa likod ko ay nararamdaman ko ang mga kuryenteng dumadaloy sa aking katawan. Gusto kong hawakan ang mga kamay niya at itapat sa aking dibdib. “Nasaan si Enzo? Bakit ka naliligong mag-isa?” Hindi ko namalayan na kinakausap niya na pala ako. Dahil sa kahibangan ng isip ko ay hindi ko na narinig ang mga sinasabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD