KAHIT tulog, ramdam pa rin ni Domenique ang pagod ni Rhodri habang pinagmamasdan niya ang mukha nito. Sa halip na gisingin, hinayaan niya muna itong matulog na nakapatong ang ulo sa kandungan niya. Gustong kamuhian ni Dom si Rhodri nang maalala niyang muli ang mga pirma nito sa Deed of Sale ng kanilang titulong nakasanla sa kaniyang kumpanya, ngunit may ibang bahagi ng kaniyang isip na pilit namang iniintindi si Rhodri. Palihim niyang pinunasan ang kaniyang mga luha habang patuloy na iniisip iyon. Bigla niyang naisipan na tawagan si Enzo upang ipaalam ang lahat ng kaniyang nalalaman tungkol sa ginagawang pan’loloko nina Dinah at Leon Lee sa kanilang kumpanya. Ngunit natatakot siyang sabihin ito sa kaniyang matalik na kaibigan dahil iniisip niya na baka ito pa ang maging dahilan ng pa

