TRIGGER WARNING: This story contains MATURE CONTENT.
Isabella
Halos isang buwan na ng simula akong kidnappin ni jason, hindi ko alam kung bakit nagawa niya ito nagawa.
We're bestfriends since highschool and ang akala ko kilalang kilala ko na siya dahil matagal na kaming magsama pero hindi pa pala.
At sa loob ng isang buwan nayun ay ilang beses na may nangyari samin kaya hindi ko maiwasang mangamba na baka mabuntis niya ako dahil niminsan ay di ko siya nakitang gumamit ng proteksyon. Paano kung mabuntis niya ako? Edi mas lalo akong hindi makakawala sa kanya.
"Babe aalis muna ako, h'wag kang gagawa ng ikagagalit ko naiintindihan mo?" labag sa loob akong tumango dahil kahit tumakas ako ay malalaman at malalaman niya kung nasaan ako, at baka parusahan niya ulit ako.
Sinubukan kong tumakas sa kanya nakaraang linggo ang nakakalipas pero nahabol niya kaya ang ginawa niya ay kinadena at paulit ulit niya akong ginalaw hanggang sa magsawa siya, parusa daw iyun dahil sa planong pagtakas. Kaya simula ng araw na yun ay binabantayan nito ang bawat galaw ko.
“Babalik agad okay” humalik muna ito saking noo bago umalis. Tinignan ko ang bintana kung nakaalis na talaga siya dala ang sasakyan. Nakahinga ako ng maluwag, Naglakad ako pabalik balik iniisip ko kung paano ako makakahingi ng tulong kila mama at papa. Hindi ako makakalabas sa main door dahil alam kong nakasarado iyun sa labas pati kahit bukas iyun ay mahihirapan parin ako.
Naalala ko bigla yung mga gamit na dala ko bago ako kinuha ni jason. Kaya pumunta ako sa kwartong tinutulugan namin at tinignan ang ilalim ng kama kung nandoon pero wala kaya naghanap ako sa bawat sulok ng kwarto pero wala parin.
“Nasaan kaya yun? Kainis!” napasabunot nalang ako sa aking buhok. Habang sinasabunotan ang sarili ay pumasok sa isip niya ang kwarto ni jason na nakalock.
Alam kong hindi tanga si jason para iwan dito ang susi ng kwarto niya. Dali dali akong pumunta sa kusina para kumuha ng bagay na pwedeng ipasok sa butas ng doorknob ng kwarto ni jason.
Wala akong makitang pin or kawad kaya
kumuha ako ng kutsara sa kusina at dumiretso ako sa pinto ng kwarto ni jason para masubukan ko kung gagana.
Sana talaga lord gumana to, ipinasok ko ang dulo ng kutsara at ginalaw galaw ko. Nang marinig ko ang tunog galing sa pinto ay dahan dahan ko ito pinihit pabukas kung totoong nagwork yung ginawa ko. Mukhang nagwork kasi bukas ito.
Wala na akong inaksayang oras at mabilis akong pumasok at nagsimula nang maghanap, tinignan ko sa ilalim ng kama pero wala. kaya ginala ko ang aking paningin hanggang sa dumako ang aking mga mata sa itaas ng cabinet, bag ko yun kaya kinuha ko yung upuan na malapit sa study table ni jason.
Pumatong ako doon at sinimulang umakyat upang maabot ang aking bag. Pagkakuha sa bag ay hinanap ko agad ang phone ko. Nung nahanap ko ay try kong buksan at lowbat kaya mabilis akong naghanap ng charger at thank god may charger sa drawer.
Pagkacharge ko ay binuksan ko kaagad at
nagdial ako sa emergency number. Buti nalang may signal sa lugar na ito.
Wala akong pang tawag para matawagan sila papa. “Hello this is 911 emergency what may i hel-” hindi ko na siya pinatapos magsalita “Please tulungan mo ako!!” iyak kong tugon sa babae sa kabilang linya.
“Calm down miss okay.. darating dyan ang tutulong sayo pero pwede mo bang sabihin kung ano ang nangyari sayo?” mahinahon nitong turan
Hindi ako nakaimik sa tanong nito “Okay.. miss h'wag mong papatayin ang tawag at ang location ng phone mo para mabilis kang mapuntahan ng mga pulis dyan” nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nito
Sinunod ko ang sinabi ng babae at hinintay ang mga pulis para maligtas ako.
Tahimik akong nagdadasal na sana ay maligtas nila ako , ayokong manatili dito pero di ko maiwasang maisip na anong mangyayari kay Jason kapag nagsampa si papa ng kaso sa kanya.
Natigilan ako sa pag iisip ng marinig ko ang malakas na tunog galing sa pinto kaya agad akong bumababa para tignan sa bintana kung sino, narinig ko ang paglaglag ng kung ano malapit sa pinto. Nang bukas ito ay mga pulis ang bumungad sa akin.
“Ma'am, tara na po” pinunasan ko ang aking mga luha at sumunod sa mga pulis patungo sa sasakyan.
It's been a two days since nung niligtas ako ng mga pulis mula sa mga kamay ni jason.
Nalaman ko na hinahanap ako nila papa, nag offer sila ng malaking pera sa makahanap sa akin at nagbayad sa private investigator para lamang malaman kung nasaan ako. Ganun nalang ang galit ni papa ng ikinuwento ko ang mga ginawa sakin ni jason, at dahil doon ay gusto ni papa sampahan ng kaso si jason.
“Ma'am, Sir nandito po sila ma'am selene” nagkatinginan kami ni papa bago ito nagsalita “Sige papasukin mo sila” utos ni papa sa katulong. Narinig ko mga yapak papunta samin, hindi ko maiwasang di tignan.
Nakita ko sila tita at Jason, nagulat ako sa hitsura nito ngayon ibang iba sa huli naming kita, nagkaroon ito ng dark circles at mukhang nabawasan ito ng timbang.
Tumikhim si papa bago nagsalita “Umupo kayo” ngitian naman ni tita selene si papa at nagpasalamat bago umupo.
“Nasabi na sakin ni Isabella ang lahat ng ginawa ng anak niyo sa kanya at nais kong pagbayaran ng anak niyo ang ginawa niya” mukhang hindi nagulat sila tita “Alam kong malaki ang kasalanan ng anak ko at walang kapatawaran iyun pero sana ay h'wa-” pinutol ni papa ang sasabihin ni tita selene
“H'wag sampahan ng kaso ang anak mo ganun ba?, Selene matagal na tayong magkaibigan at may mga bagay na akong pinalampas pero itong panggagago ng anak mo sa anak ko ayun ang hindi ko papalampasin” galit na sabi ni papa.
Tahimik lang ako nakikinig sa pinag uusapan nila nang maramdaman ko ang dalawang pares ng mga matang nakatingin sakin, alam kong si jason kaya nag angat ako ng tingin at nagtama ang aming mga mata.
Nakita ko sa mga mata niya ang pagsisisi. Iniwas ko nalang ang aking mga mata, hindi ko alam pero parang nasasaktan ako para sakanya.
Napabuntong hininga nalamang ako at pinagtuonan ng pansin sila papa ngunit nakita kong magkakapisikalan na sila papa at tito elgo, kaya nagsalita na ako “Hindi ako magsasampa ng kaso papa” lahat sila ay napatingin sa akin at lalo na si papa na halatang gulat sa sinabi ko.
“Ano?” naguguluhang tanong ni papa
“Ang sabi ko hindi ako magsasampa ng kaso kay jason” saad ko
“Bakit?anak pinagbantaan ka ba ni jason kaya ayaw mo, wag kang matakot oka-” hindi ko pinatapos ang sasabihin ni papa at sumagot.
Binalingan ko sila ng tingin “Tita hindi ako magsasampa ng kaso laban kay jason ngunit sa dalawang kondisyon” I'm not psychiatrist but feel something about jason's behavior “Una ko pong kondisyon ay magpapatingin si jason sa isang psychiatrist at magpa mental kung kailangan” ganun ulit ang reaksyon nila nang sabihin kong hindi ako magsasampa ng kaso.
“Do you think I'm crazy” tanong sakin ni jason
“Yes” tugon ko sa tanong nito
Hindi ito umimik kaya nagsalita ulit ako para duktangan ang sinabi ko “Sinong tao ang gagawa ng ganung bagay sa kaibigan niya?” pinipigilan kong umiyak habang inaalala ang ginawa niyang kabaliwan at baboyan sa akin.
Lumingon ako kila tita at huminga ng malalim bago magsalita “Ahm.. Tita ang pangalawa ko pong kondisyon ay sana ho ay hindi na ulit kami nagkita pa ni jason” dahil baka kasuklaman ko siya lalo kapag nakita ko pa siya ulit.