Chapter 4

1297 Words
Isabella 5 Years later “BESHIE kumusta kayo ng inaanak ko” tanong sakin ni Sarah na naging bestfriend ko. I met her 5 years ago nung namimili ako ng mga gamit para sa pinagbubuntis ko at naging close kami nang malaman niyang na magkakababy ako. She gave me adviced about healthy pregnancy and what I need to know. Mas matanda siya sa akin ng dalawang taon pero kahit ganun ay ayaw niyang tawagin ko siyang ate. Nalaman ko na may anak na siya with her stepbrother, bagaman nahihiya pa siyang sabihin yun. Hindi dahil magstepbrother and magstepsister sila kung di ayaw niyang mahusgahan sila ng asawa niya, for me it's okay besides hindi naman sila totoong magkapatid. So happy for them, I don't feel any envy dahil nandito naman si Jaiden ang napakagwapo kong anak and I'm happy for myself dahil after my recovery sa trauma na dulot ni Jason sa akin ay nalampasan ko ito kasama ang anak ko. Labis kong pinagpasalamat na doon si papa para mag alaga sa apo tuwing walang nagbabantay dahil papasok ako sa university at tumayo bilang tatay tatayan narin sa apo niya. Natigilan ako sa malalim na pag iisip ng may kamay na nagalaw sa harap ko na parang nag Hi. “Tulala ka naman” ngitian ko siya “Sorry I'm just stressed this past few days” umiling iling ito “Sinabi ko na sayo na kailangan mo rin ng pahinga” bumuntong hininga muna ako bago sumagot “Sarah alam mo nama-” hindi niya ako pinatapos magsalita “Isabella alam ko namang busy ka sa pag aalaga sa anak mo at pagtatrabaho sa ospital pero deserve mo rin magpahinga noh, atsaka libre kita sa bagong resort ng asawa ko kung sasama ka and yung gwapo kong inaanak” wala na akong choice kung hindi tumango. Libre eh. Pagkapayag ko sa alok ni Sarah ay naghanda na ako nang gagamitin namin ni Jaiden para sa pag alis namin ng saturday papunta sa resort nila sarah. At nag file narin ako nang leave. Mabilis ang oras kaya hindi ko namalayang saturday na which means aalis na kami at pupunta sa resort nila sarah. May sumundo sa amin na van. Habang nasa biyahe kami ay tumawag si Sarah sakin kaya sinagot ko kaagad “Beshie may sumundo ba sainyo?” sinagot ko ang tanong niya at pagkatapos ng maikling pag uusap ay nagpaalam muna kami sa isa't isa. “Ma'am nandito na po tayo” naging mabilis ang biyahe papunta sa resort siguro dahil narin hindi traffic sa dinaanan namin. Pagkababa namin ng sasakyan ay sinalubong kami ni sarah kasama nito ang asawa niya at dinala kami kung saan ang room number namin, pagkatapos ay nilibot kami sa resort hanggang sa naabutan na kami ng gabi sa paglilibot at hindi narin ako nagpasama kay sarah pabalik sa room namin dahil alam korin na kailangan nilang puntahan ang anak nila. At habang naglalakad kami pabalik ay nakaramdam kami ng gutom kaya naisipan muna naming kumain bago bumalik sa hotel room. Pagkatapos ay sumakay na kami sa elevator at pinindot ang button kung saan kaming floor, Nang magsasara na ay may sapatos na pumigil. Inangat ko ang tignin at nakita ko ang isang lalaki na parang natulalang nakatingin sakin at sa anak ko. Tumikhim ako kung kaya't parang natauhan ito at dali daling pumasok. Pamilyar akin yung labi at ilong niya, hindi ko kasi makita ang mata niya dahil nakashades ito at nakasuot ng business attire. Siguro ay may business meeting ito dito. Natigil ang aking pag iisip ng magsalita si jaiden “Mommy I am excited to try seafood again, ang tagal na po kasi nang huli tayong kumain ng seafood kaya po mas lalo ako nag crave” mahina akong tawa ng ngumoso ito. “Sige sasusunod na sahod ni mommy ay mag seafood date tayo” sambit ko at ginulo ang kanyang buhok. PAGKAGISING namin ay naligo muna kami at nagbihis. At nang matapos kaming magbihis ay deretso na kami sa baba para kumain, nakasalubong namin sila sarah kasama nito ang asawa. “Bestie sabay na kayo samin magbrebreakfast din kami” tumango ako. Nakarating na kami sa isa sa mga restaurant dito sa resort and nang makahanap kami ng table ay umupo na kaming umorder. “Babe it's okay if one of my business partner will join us for breakfast” tumango si sarah. “Okay I will text him” pagsabi niya nun ay may pinagpipindot ito sa phone. “Babe parating na daw siya” “Okay” tanging sagot ni sarah Dumating na ang inorder namin pero hindi muna namin ito kinainan dahil hinihintay namin ang business partner ni yael. Makalipas ang ilang minuto ng magsalita si yael “Mr Lopez here” kasabay ng pagkasabi niya ay nakarinig ako ng yapak papunta dito sa table namin. “Mr Fartuigo” kilalang kilala ko ang boses na yun, kung kaya't napaangat ako ng tingin at napasinghal ako ng makita ang mukha niya. “D-dave” pagkasabi ko nun ay dumako ang tingin niya sa akin, bumakas din sa kanyang mukha ang gulat. “Do you know each other” tanong ni yael “Yeah” sagot ni dave “Take a seat” bago ito umupo ay sumulyap ito saglit sakin. “Let's eat” katahimikan ang bumalot samin habang kumakain at ramdam ko rin ang bawat sulyap niya sakin ngunit hindi ko iyun pinagtuonan ng pansin. Alam kong gusto niyang magtanong pero pinipigilan niya ang sarili niya. Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na sila yael dahil may kailangan pa raw silang ayusin. Kaming tatlo nalang ang natira, Pinutol ko ang katahimikang kanina pa namamayani “Jaiden anak masarap ba yung foods” ngumiti ito sakin at tumango “Opo mommy” ngitian ko ito at ginulo ang buhok nito. “Ate Isabella” lumingon ako nang may tumawag sakin. “Lila buti nakarating ka” si lila ang nag aalaga kay Jaiden kapag nasa trabaho ako dahil minsan ay naalis si papa kaya wala akong choice kung hindi kumuha ng pwedeng mag alaga, alam kong mahirap sa panahon ngayon ang magtiwala pero kailangan pati mabait naman si Lila. “Oo nga po eh, sorry ate kung ngayon natagalan kasi yung sundo eh” nagkakamot ulo niyang saad “Ah ayos, ahm pwede mo bang samahan si jaiden pabalik sa kwarto” tumango ito at niyaya si jaiden paalis. Kami nalang ang naiwang dalawa, niisa samin ay walang balak magsalita. Magsasalita na sana ako ng unahan niya “Kumusta ka na” napaangat ako ng tingin kung kaya't nagtama ang aming mata. “Ayos lang, ikaw ba?” nakangiti akong tanong dito. “Eto engineer na” ngumisi ito ng bahagya. Naging awkward ang atmosphere ng nawalan kami pareho ng sasabihin “Bakit ka biglang nawala” mahina pero bigla nitong tanong. “Ahm.. Sorry about that may nangyari lang kasi kaya hindi ako nakasipot” sinimangutan naman ako nito. “Ayos lang, pero ayos lang ba na ituloy natin yung dapat date natin 5 years ago” nagulat ako sa sinabi nito. Hindi ko kaagad sinagot ang pang anyaya nito bagkos ay magtanong ako sa kanya “I'm single mother, ayos lang bang maka date mo ang isang kagaya ko?” kumunot ang noo nito. “What do you mean kagaya mo? Eh Wala naman akong nakikitang mali sayo para hindi ako makipagdate sayo, Actually I'm proud and happy for you dahil naging matapang ka at nagawa mo siyang palakihin ng maayos” may parang humaplos sa puso ko dahil sa mga sinabi. “And one more thing, I'm sorry for kissing you sa parking lot five years ago” nahihiya nitong saad at namula ang mga pisingi pati ang tenga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD