Kabanata 1

1547 Words
Nakakarinig naman ako ngunit para bang sa isang sandali’y inagawan ako ng karapatang makaintindi sa mga sinasabi nila. Nakakakita rin ako ngunit para akong bulag na tulala sa kawalan. I was unable to speak a single word. Ni hindi ako umiyak. Ni hindi ako... nag-react. For a split moment, I want to run upstairs again. Gusto kong bumalik sa aking kama at ipikit ang mga mata hanggang sa makatulog. Baka panaginip lang ito. Baka mamaya magigising na ako. Baka mamaya, maaapula rin ang malakas na t***k ng puso ko. Ngunit hindi... dahil naramdaman ko ang yakap ng ina ni Levi. Umiiyak siya habang walang kasing higpit ang yakap sa akin. Maging ang ama ni Levi na si Tito Leon ay tumalikod upang itago ang kaniyang mga luha. Tinatapik ni Daddy ang balikat ng kaibigan. Grieve was on their face, but I don’t want to believe it. “I-I’m sorry... I-I... I need a moment,” parang nauubusan ng hininga kong sabi at tinalikuran sila para pumanhik sa aking kwarto. “Kali...” tawag ni Mommy habang umiiyak pa rin. Dumulas ang pagkakahawak ng ina ni Levi sa aking braso nang tulala akong bumitaw sa kaniya para bumalik sa kwarto ko. Ayaw kong marinig ang iyak nila. Ang boses nila. Ang pagtawag nila sa akin na para akong isang pinggang mababasag anumang oras. “I’m fine,” tulalang sambit ko bago sila iniwan sa baba. Bumalik ako sa aking kwarto at sinara ang pinto. Napapikit ako para pigilan ang panginginig ng aking mga kamay. I pressed myself against the back of my door. Naipaghawak ko ang aking mga kamay na walang tigil sa pangangatal. I couldn’t breathe. I... I feel like my heart is being twisted slowly. Sobra nitong sakit. Sa sobrang sakit ay para akong mamamatay... Walang luhang lumalabas sa aking mga mata. Napaupo ako sa dulo ng kama at hindi nagtagal ay bumukas ang pinto ng kwarto. Inaasahan ko na si Levi iyon kaya ako tumayo. “Le---” Napatigil din ako agad nang makita sina Mommy at ang mama ni Levi. Pati sina Daddy ay sumunod na rin. Ang pag-asang bumangon sa akin ay para ding mga kastilyong gawa sa buhangin ng dalampasigan na tinangay ng malakas na alon. It all came rushing down when I saw my parents and his parents. Bakas ang pag-aalala sa kanila. Umasa akong si Levi ang magbubukas ng pinto at sasabihing prank lang iyon. Umasa ako na may bubungad sa aking mapaglaro at mapang-asar niyang ngisi at mga brasong naghihintay ng yakap ko. Na sasabihin niyang biro lang iyon. Napatakip ako sa aking bibig. Ramdam kong hindi sila nagsisinungaling pero hindi matanggap ng sistema ko. My mind is so clouded! “S-Sabihin n’yong... nagbibiro lang kayo, hindi ba, Ma? Tita Victoria?” Nagsimulang uminit ang sulok ng aking mga mata. Namumutla ako pero wala na akong pakialam. Puno ng pag-asa ko silang tiningnan ngunit mas lalo lamang silang humagulgol. Napalunok ako at umiling. “Kali...” “H-Hindi... imposible. Imposible po iyang sinasabi n’yo. Mommy naman! Masama ang birong ‘yan! First thing in the morning, guys, please, huwag ninyo naman akong biruin nang ganito...” Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng sulok ng aking mga mata pero hindi iyon sapat para bumagsak ang mga luha ko. I will not cry! Hindi ako iiyak dahil hindi totoo ang sinasabi nila! “Nangako sa akin si Levi! Magkikita kami mamaya sa simbahan! Ikakasal kami! He will wait for me, Ma, Tita Victoria... hihintayin niya ako mamaya. Magpapakasal kami...” paulit-ulit na sabi ko. Niyakap ako ni Mommy. Pinapakalma nila ako pero tinatanggihan ko ang yakap nila. Hindi nga sabi, eh! Hindi mangyayari ‘yan sa kaniya! Kalokohan! He’s just here last night! On this very bed! We made love... we were with each other. He promised me. We promised. “He was just here, Tita. Magkasama pa kami kahapon! Uuwi lang siya sa inyo... tapos magkikita kami mamaya sa altar. Susuotan niya pa ako ng singsing,” paliwanag ko. Sinagot lang ako ng iyak ni Tita Victoria. Napatakip siya sa kaniyang bibig at panay ang sabing, “I’m sorry, Kali.” Tumayo ako at lumapit kay Daddy. Baka sabihin nila sa akin ang totoo! “Dad... please tell me, n-nasaan si Levi? I need to talk to him! Lagot talaga siya sa akin kung dinadamay niya kayo sa biro na ‘to!” nanginginig ang boses na sabi ko. “Kali... anak, I know you need to process this... but this is the truth, anak,” malungkot na sabi ni Daddy at mariing bumuntonghininga. Napaatras ako at halos bumigay ako sa sahig dahil sa panghihina ng aking mga tuhod. “Kali!” sigaw nina Mommy at inalalayan ako. Maids came rushing to see what’s happening ngunit wala akong maintindihan sa mga nangyayari sa paligid. Nahimatay ako at nang magising ay alas-dos na ng hapon. Nataranta ako dahil dalawang oras na lang ay ikakasal na kami. Baka mahuli ako! Bumaba ako sa sala para hanapin ang mga magulang ko. Nasa sala pa rin sila at magkakasama. ‘Yong ibang kaibigan ni Levi ay narito na rin sa bahay namin. Pati ang kaibigan kong si Rosy. “Ma?” Napatingin sila sa akin. Napakurap ako dahil hindi pa sila nakaayos. Two hours na lang, magsisimula na ang kasal. Why is everyone not ready yet? “What are you doing? The wedding’s in two hours...” paalala ko ngunit nanginginig na agad ang boses ko. Kagigising ko lamang muli sa pagpapahinga ngunit ito na naman ang nanghihina’t bumibigay kong mga tuhod. Lahat sila ay tahimik. Si Rosy ay umiiyak. Napailing ako. My breathing became rugged again. I still chose not to cry. Mga sinungaling! They’re all lying! Hindi magagawa sa ‘kin ‘to ni Levi! Hindi niya ako sasaktan nang ganito. H-Hindi... hindi niya ito gagawin. He will not leave me. He will not hurt me. He will not... k*ll me... like this. He can’t make his own bride cry two hours before we face the heavens to present our love to each other! Tinalikuran ko silang lahat at umalis. Sinundan ako nina Mommy at Tita Victoria ngunit pinigilan sila ni Tito Leon. “Baka si Kali naman ang mapahamak!” dinig kong sabi ng mama niya. “Susundan ko siya. Let her think first... kailangan niya ito. Mahirap lahat ng ‘to higit sa kaniya...” Wala akong pakialam sa mga naririnig ko. Tinakbo ko ang sasakyan ko. I need to see Levi right now! Lahat sila niloloko ako! Hawak ko na ang susi. Mabilis kong pinaandar ang aking sasakyan. Kailangan kong puntahan si Levi! I will slap him so hard for making a stupid, silly joke like this! Dasal ako nang dasal habang nagmamaneho. Na sana magising ako sa bangungot, bangungot na tila ba mahirap lamang ihiwalay sa reyalidad, pero magigising din ako. I prayed to Him to keep Levi safe for me. Na hindi totoo ang sinasabi nila sa ‘kin. Na hindi totoong wala na siya. Na nawala siya... na... na hindi ko na siya makakasamang muli. Parang awa mo na, Levi. I pulled into the driveway of their house. Mabilis akong bumaba at tinungo ang kanilang sala. Their house is bigger compared to ours dahil higit na mayaman ang mga Parker. “Levi! F*ck! Magpakita ka sa akin! Your prank isn’t funny, asshole!” Nilibot ko ang tingin sa kanilang sala. Tahimik na tahimik ito. Lumabas ang dalawang maids para tingnan ang nangyayari. Pati mga kapatid niya ay wala... “Nasaan ang gago n’yong amo? Sabihin mong magpakita siya sa akin o papatayin ko siya!” naiiyak kong utos. “M-Ma’am Kalilah...” “Lourdes... please, tawagin mo naman si Levi...” Pumiyok ang aking boses kasabay nang sunod-sunod na pagbagsak ng mga luha ko. Nagmamakaawa na ako sa kaniya. “Sabihin mong nandito ako. Please, sabihin mo naghihintay ako. M-May dalawang oras pa bago magsimula ang kasal. Sabihin mong okay lang kahit medyo late kami... please...” Hikbi ako nang hikbi, dahil alam ko... hindi niya naman iyon masasabi. Hindi niya masasabi kay Levi. Hindi niya rin makakausap si Levi gaya ko. Doon bumuhos ang luha ko. Dahil sa tahimik nilang bahay ay hindi ko matagpuan ang presensya niya. Hindi ko maisip na walang Levi na bababa sa kanilang hagdan para salubungin ako. Para batiin ako ng good morning. At para asarin ako na masiyado ko na naman siyang nami-miss. Bumagsak na lamang ako sa kanilang sahig. Iyak ako nang iyak. Walang tigil ang mga luha ko. Sana... nag-aayos na ako ngayon at naghahanda para sa kasal namin. Siguro suot ko na ang wedding dress ko na hinihintay niyang makitang suot ko habang naglalakad ako palapit sa kaniya sa altar. “Ma’am Kali...” Umiiyak na rin maging sina Lourdes, ang mayordomang nag-alaga kina Levi magmula pa noon. At doon ko naintindihan ang gusto nilang iparating sa ‘kin kanina pang umaga. Kaya pala... kaya pala ganoon na lamang ang lungkot ko nang umalis si Levi nang hapong iyon. Kaya pala tila ba may umihip sa kurtina ng aking balkonahe kahit na nakasara naman iyon... kaya pala... kaya pala walang mga bituin, kaya malamig ang gabi, kaya nakakabingi ang katahimikan. Dahil wala na si Levi. Inagaw na siya ng langit mula sa amin... sa akin...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD