bc

Diary of my Unrequited Love

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
HE
bxg
lighthearted
campus
office/work place
secrets
friends with benefits
lawyer
like
intro-logo
Blurb

I never felt this feeling before. I can't speak to him directly what I felt for him so I will just write a diary of my love for him. I don't expect him to love me back just by knowing that he is happy and leaving a good life I'm already contented. Those eye contacts are a complete communication just by staring at each other it goes deeply to my soul.

chap-preview
Free preview
First Day at Work
Hindi ko alam kung bakit iba ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw. Maayos naman ang takbo ng online business ko pero lately pakiramdam ko nabobored ako at gusto ko naman bumalik sa corporate world. Naisipan ko magtingin tingin ng mga hiring company sa online. Siguro naapektuhan ako dun sa mga sinabi ng kapitbahay ko sakin nung isang beses napagkwentuhan nga namin ung sahod dati sa kumpanya na pinapasukan ko. Iba kasi talaga pag may inaasahan ka na sahod sa negosyo talaga kailangan mong sumugal. May panahon na malakad meron namang matumal. Ngayon kasi nasa punto ako na mas malaki pa kinikita ko nung nagtatrabaho ako kaysa ngayon naisipan ko magnegosyo. Inumpisahan ko na magpasa ng resume sa mga hiring companies na nakita ko online. I started receiving calls for interviews. One of the company that got my attention was the Elite Multi Corporation which is one of the largest company I've known. Naalala ko nag apply ako dito nung fresh graduates ako but I was so unlucky that time, first time job seeker ako at hindi pa ako ready sa mga interviews kaya naman nautal ang inyong lingkod at hindi nakasagot sa mga tanong. It was so memorable for me. Grabeh kaba ko nung time na yun pero pangarap ko talaga makapasok sa kumpanya na yun. I failed during that time at sinubukan ko nalang ang swerte ko sa ibang companies. This time I received a job interview again from that company. When I received their email about the scheduled job interview I make sure to prepare myself. Bukod sa job interview may assessment pa kaya hindi talaga ganun kadali makapasok. Virtual interview at assessment lang lahat. Hindi nila agad sinabi ang result hinayaan ko lang hindi ako nag expect but deep inside I'm praying. Willing ako igive up lang muna ang business ko naisip ko okay din naman yun kasi makakapag ipon pako lalo para mapalago negosyo ko. After 3 Days nakareceive ako ng email nila. I was so happy I got the job. Pinapapunta nalang nila ako ng office para mag sign ng contract. Ang nakakatawa pa dahil hindi nga ako sanay mag commute at diko din kabisado ang pasikot sikot sa lugar naligaw pako kakahanap nung building. Inabot din ako ng gabi dahil madami pala kami na mag sign ng contract at per batch ang ginagawa dahil diretso na kami orientation. Buti nalang din may pa free lunch gutom na gutom nako that time ayoko naman lumabas kasi diko sure anung oras kami tatawagin. Sobrang excited ko that time eto na inaantay ko makapasok sa company na pinapangarap ko. Maganda ang salary offer malaking advantage din kasi dahil may work experience na ako. Sinabi nadin kung kailan ang start ko at yun nga may 10 days training pa pala bago sumabak sa main task. Ayun nga, I make sure to be presentable yet comfortable on my first day. I just wore a nude trouser with white knitted tops at blazer. Light make up lang din mas naka focus lang ako sa kilay at lipstick ko. Napa sobra ang aga ko. Tinantya ko pa kasi ang biyahe ko at hindi ako na traffic kaya nakarating ako ng office ng maaga. Agad ko tinanong sa front desk ung training room at binigyan nadin ako temporary ID pass. Medjo nanibago lang ako dahil ang tagal ko din nagpahinga kaya siguro hindi ako sanay ulit pumasok sa corporate world. Hindi pa kami agad pinapasok sa loob ng training room may mga kasama nadin ako nag aantay sa labas kunting kwentuhan habang inaantay ang trainer namin. The usual first day agenda, Nag pakilala kami sa isa't isa at pinaliwanag kung anu ang do's and don'ts ng kumpanya. Nakapalagayang loob ko naman agad ang mga kasama ko lalo na mga babae. "Sabay na tayo mag lunch." Pag aaya sakin ni Bela. Kasama ko sa team ang sexy manamit naka blazer din siya pero sobrang ikli ng palda at makapal din ang make up. Mukha naman siyang mabait at pakiramdam ko magiging close ko to. Pumayag naman ako sa offer niya kasi wala din ako kasabay inaya ko na iba namin kasama. Bale 13 trainees kami lahat 7 boys, 4 girls at 2 gays. Siyempre may sariling mundo ung mga lalaki hindi na samin sumabay. Mga bata pa ang kasama ko sa training ako ang pinaka matanda sa edad na 28. Mga fresh graduates ang kasama ko sa team. Hindi naman ako naintimidate dahil kung titingnan halos magkakaedad lang kami. Hindi kasi halata sa katawan ko yung edad ko, nagulat pa nga sila nung sinabi ko kung ilan taon na ako. Wala pang masyadong ginawa ngayong araw halos kwentuhan lang din ang nangyare yung iba nagpasa palang ng mga kulang na requirements. Pakiramdam ko naman nakapalagayang loob ko silang lahat. Masaya ang naging unang araw at hindi mo pa talaga ramdam ang pagod dahil nasa training palang. May inassign na sakin na task ung trainer namin. Medjo mataas ata expectation sakin dahil nga may work experience nako kumpara sa mga kasama ko. Okay lang din naman sakin at ayoko ipakita sa kanila na nagmamagaling ako gusto ko pantay pantay lang kami. Iba padin yung pakiramdam na magaan lang yung samahan niyo sa team. Ayoko ng pressure kaya may mga kasama ako na nag papaguide masaya naman ako na nakakatulong. Isa dun na umagaw sa attensiyon ko ay si Josh. Nagpa guide siya panu ang tamang format sa log in namin sa computer. Ang gwapo niya matangos ang ilong parang artista ang mukha kaso mas bata sakin 22 palang siya. Kaya turing ko sakanya younger brother lang. Siya pinaka unang nag ask sakin at nag approach sa lahat ng mga kasama naming lalaki kaya pakiramdam ko ang bait niya at makakapalagayan ko ng loob. Of course kasama sa first day ang hassle pauwi. Grabeh rush hour ang haba pa ng pila sa ejeep na sasakyan ko pauwi. Napaisip ako eto balik na naman sa struggle pauwi. Nagulat pako habang nakapila may kumalabit sakin, paglingon ko si Josh nakangiti.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
608.7K
bc

The Lone Alpha

read
125.2K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
35.1K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
9.7K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
813.1K
bc

Bad Boy Biker

read
8.5K
bc

The CEO'S Plaything

read
18.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook