Kabanata 15
Family (1)
Panay ang kwento nila sa kani-kanilang ginagawa sa nakalipas na mga taon. Nagtatawanan sila at minsan naman ay siseryoso. Minsan ay mangingiti ako dahil sa mga pinag-uusapan nila.
Napa-isip nga ako minsan. Kung ipinaglaban ba ako ni mommy ay mas magiging masaya siya kapiling ni Tito Miguel? Mas masasaya ba si Daddy if he married his true love? Mas naging maganda ba sana ang takbo ng buhay nila if hindi nakialam sina lola at hindi ako ipinanganak? I think it would… Mas mapapabuti ang buhay nila dahil hindi na nila kailangan pang ipagpilitan ang sarili nila sa isa’t isa.
Im the unwanted child. I’m just materialization of my grandparents manipulation.
May humawak sa kamay ko na nakapatong sa mesa. Nilingon ko ang nagmamay-ari ng kamay na ito. Sumalubong sa akin ang nakangiting si Lexxa. Para bang ipinaparamdam niya sa akin na alam niya ang nararamdaman ko.
“Okay ka lang?” Nakangiti niyang tanong. Ramdam ko sa tanong niya na concern siya sa akin. Taliwas sa nararamdaman ko tuwing ang mga kakilala ko ang magtatanong. Para kasing nagtanong lang sila dahil ubligado sila dahil nakita nila akong ganun ang posisyon at hindi dahil concern sila.
“Yeah. Naninibago lang.” Sabi ko sa kaniya.
Hindi niya na pinahaba ang pag-uusap namin. Nginitian niya na lang ako at sinuklian ko din iyon at binalik ang tingin ko sa mga kasama kong naroon.
Ramdam ko parin ang tingin niya sa akin sa gilid ng mga mata ko. Panay ang sulyap niya sa akin tuwing may nakakatawa ko o may personal na pag-uusapan sila.
Natapos ang hapon at pinalabas na nina mommy ang mesa at ang grill para makapag-ihaw kami sa labas. Sa may swimming pool kami kakain ngayon.
Kanina pa umuwi si Eva dahil hinahanap na din siya sa kanila. Gusto pa man din ni Mommy na dito na muna siya mag dinner para narin masulit niya ang pagpunta niya dito.
“Why don’t you just eat dinner with us, Vam?” Tanong ni mommy. Tawag niya kay Eva gamit ang nickname niya.
“ Next time, Tita. I promise hindi na talaga ako papapigil kapag may ganitong handaan kayo, este dinner.” Tumawa siya dahil may na realize siya sa huling sinabi niya. “Sige na po Tita. Aalis na po ako. Goodnight Tita, Tito. Sa inyo rin po. Goodnight. “ Nagpaalam na siya sa kanila.
Ngayon ay tinutulungan ko ang mga katulong sa pag-a-arrange ng mesa. Sina Tito at Daddy ay nakatuka sa pag-iihaw ng karne. Iba’t ibang klase ng karne ang ginamit namin dahil may naisip sila Mommy at Tita na iba’t ibang klase ng sauce na pang dip namin.
Nang natapos ang pagd-decorate ay sinabi ni Mommy na mag na-night swimming daw kami. Kaya pumasok ulit kami sa loob ng mansyon at kumuha ako ng one piece na swimsuit. Nagsuot na muna ako ng cover-up.
Pagkababa ko ay nakasabay kong lumabas sna Alex, Lex at Lexxa. Nakasuot si Alex ng white sando at naka board shorts habang si Lex naman ay nakasuot ng black sando at board shorts din. Si lexxa naman ay naka rash guard pero nakabikini sa pang-ibaba niya. Itinali lang din niya ang sarong sa bewang niya para matabunan ang pang-ibaba niya.
“Magandang gabi Paradise.” Pormal na bati nila.
Ngumiti lang ako sa kanila at bumati na rin. “Good evening sa inyo. Cut the formalities, hindi naman kayo masyadong matanda katulad nila Mommy para maging ganyan ka pormal ang pagbati niyo sa akin.”
I tried to lossen up the atmosphere between us and I succeeded. Ngayon ang kaninang nasa defense mode na dalawang lalaki sa harapan ko ay unti-unting naging maamo.
“See? I told you. Hindi ganun siya katulad ng mga iniisip niyo.” Si Lexxa.
Nagkibit lang ng balikat si Alex habang si Lex naman ay nakatingin sa akin.
“Yeah. Maybe our speculations are that bad.” Si Alex.
“ Don’t worry hindi naman ako nakikipag-away kung walang matibay na dahilan.” Pag-a-assure ko sa kanila.
Sabay kaming bumaba ng hagdan ni Lexxa at nasa likuran namin ang dalawa. Nilingon nila kami ng makita na magkasama. Nagkatinginan sila.
Panay parin ang kwentuhan nila sa isa’t isa. Minsan ay nakikisali ako pero kadalasan ay nakikinig lang. Ng natapos kami sa pagkain ay nagpasya sila Mommy na maligo na.
Pinauna nila kami bago sila.
Kagabi pa ay sabi na ni mommy na mag mo-mall daw kami. Kaya ngayon eight ng umaga ay nagbibihis na ako. Sa labas na lang daw kami magbrunch pagkatapos magsimba kaya ngayon ay nagsuot ako ng midriff top at beige skirt. Naglagay lang ako ng tag dadalawa na hairpin sa bawat side.
Inilugay ko lang ang straight kong buhok pero na may natural na kulot sa dulo. Naglagay ako ng lip gloss para may kulay naman ang mukha ko.
Nakasakay na kami sa van nina mommy at daddy kasana yung kapatid ko kay daddy at si tita Alma. Sina Lex naman ay sa sasakyan na lang daw nila sila sasakay. Kaya nag-convoy na lang kami papunta sa Basilica. The famous Sto. Niño church.
Maaga pa ng marating namin ang simbahan. Di-nrop lang kami ni Manong sa harapan ng simbahan dahil maghahanap pa siya ng parking space. Pinakuha narin ni mommy yung sasakyan nina Tito Miguel para makasabay na lang din namin sila. Yung isang body guard na lang ang bahala sa pagpark at imamaneho na lang ito pabalik sa harapan ng simbahan kapag nasa tapos na ang misa.
Nang nakalabas na kami sa kaniya-kaniya namin na sasakyan ay sabay kaming pumasok. Chineck na muna kami sa may gate, for safety precautions.
ALUMPYLOVESTORY