Kabanata 21 Mutual (2) .......... Mag-aalasais pa lang ng umaga kaya unaantok pa itong si Matt. Nakakatamad naman ang paghihintay kaya yumuko ako at nagface sa wall at tinutok ang paningin doon. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Naalimpungatan na lang ako ng may maiingay ss loob ng room at may humahaplos sa buhok ko kaya umisod ako patalikod dahil parang ang sarap ng may humahagod ng buhok mo. Hindi na sana ako gigising kung hindi lang ako nakarinig ng mga tikhim at mga umubo na parang nagkaroon ng tuberculosis. At marahang saway ng isang tao. Nagmulat ako at nag-angat ng tingin kaya nahulog ang kamay na humahaplos sa buhok ko. Nasa akin ang paningin ng mga tao sa loob ng silid. Agad akong lumayo sa taong nasa likuran ko at halos matumba pa ang kinauupuan kung hindi nahaw

