Kabanata 20 Mutual (1) “ANO PARE? Makukuha mo na ba?” Nanunuyang tanong sa akin ni Kyle. “Tss… Di na nga ako nireplayan, e.” Sagot dito. Binalik ko ang tingin ko sa hawak na cellphone. Nakaopen sa text messages namin ni Paradise. Ang hirap paamuhin talaga nito. Noon naman para kaming mag-jowa. “Shot na lang muna pare!” Iniumang sa akin ang isang san mig light apple flavor. Napailing na lang ako at binalik ang tingin sa cellphone. “Kailan ka pa tumanggi?! Bago yan, ah!” Ngingisi-ngising sabi nung nagbigay sa akin. Bakas sa mukha nito ang gulat. Sa dami namin rito sa bahay nila ay hindi ko na kilala ang iba pang naririto. May mga taga ibang school pa at mga colleges. Iilan sa mga ito ay mukhang mag-jowa. But majority is single and ready to get laid . I type one message at sinend

