Kabanata 19

1471 Words
Kabanata 19 Taguan (3) ......... "Good day, SSC. Today, August 18. From the office of the Dean, announced the start of the preparation for the upcoming Sports fest. All students are required to participate for the said event." Basa nito sa hawak na papel. Ibinaba din nito ang binasa pagkatapos. At post ng papel sa board namin. Pagkalabas niya ay dali-daling pinuntahan iyon ng mga officer. Nangunguna na si Eva kahit hindi officer. Pagkabasa ng mga tao sa kumpulan sa mesa ng teacher ay agad na nagreact ang mga ito. May boses ng mga umaangal. Meron namang excited. May mga 'ahh' lang yung sinabi. "Huy, akin na yan! Babasahin ko pa eh!" Angal ni Eva. Nakita kong nakipag-agawan ito kay Marah. "Teka lang! Ipapa-announce muna ni pres! Nakasulat eh." Hinaklit ni Marah ang papel kaya hindi na naka-angal si Eva. Padabog itong umupo sa gilid ko at humalukipkip. Masama ang tingin na ipinukol kay Marah. Tinawag naman ni Marah ang president namin at ibinigay ang papel. Hindi pa nakuntento nakibasa pa. Sinulyapan ko ang reaction ni Eva. Mas sumama ang tingin nito sa dalawa at tumalim ang tingin nito na para bang handa na itong pumatay. As far as I know kasi may gusto siya sa president namin. Well, hindi na siya lugi. Matangos ang ilong, deep set black eyes, pangahin, makapal na kilay mahabang pilikmata. Makinis din ang mukha, kala mo kung sino, lalaki naman. At higit sa lahat, matalino at friendly. Kung magiging sila maku-complement nila ang isa't isa. Kasi si Eva introvert. Sa akin lang yan naggaganyan. While si Mr. President eh may pagka-extrovert kasi maraming lumalapit. "Hala guys! May pa cheer leading dance competition na magaganap. Sa opening daw ng sports fest gaganapin at ang mapipili ay may prize na one week vacation sa south!" Sa sinabi ni Mr. President ay agad na nagreact ang mga ito. Lahat excited, kahit na yung nga may ayaw. 'Sino bang a-ayaw sa vacation na one week?' "Hala!" Malakas na sigaw ng president namin na tumayo sa kinauupuan nito habang ang mata ay nasa hawak na papel. Gulat na nag-angat ito ng tingin sa amin. Base sa mukha nito ay hindi ma'Sino bang a-ayaw sa vacation na one week?'ganda ang ibabalita nito sa amin. Lahat kami ay kinabahan sa reaction na iyon ni Matthew. "P-pres, anong nakasulat?" "Ano Matt?" "Hala ano?" "Ha?" Lahat kami ay nakatutok sa sasabihin niya. Mas kinabahan kami dahil hindi niya ito masabi. Bumalik ang tingin niya sa hawak na announcement at nanginginig ang bibig niya para siyang iiyak. Rinig ko na ang mga stressed na buntong hininga ng mga kaklase ko. May mga naghahampas pa ng mesa dahil kinakabahan. Yung iba hindi nakatiis kaya nilapitan at niyugyog ang president namin na na estatwa. "Walang klase..." Natahimik ang kaninang ingay sa room namin. Napahigpit ang hawak ko sa arm chair ko. Pinaprocess pa ng utak ko ang sinabi ni Matt. "Wa-walang klase... Walang klase?" Nauutal na sabi ni Eva. Tumango naman si Matt sa kaniya kaya muling naghiyawan ang mga kaklase ko. "Yes!" Sabay-sabay na sigaw namin. Nagtatalon din sa tuwa ang mga kaklase ko pati na rin ako. Napayakap ako sa katabi ko at nagtatalon-talon. "Yes!" Sigaw-sigaw ko pa. Ngunit nahinto ako ng hindi na tumatalon ang kayakap ko at naestatwa na lang. Pati rin ang mga kaklase ko ay nahinto at nanlalaki ang matang tumingin sa akin. Tiningnan ko ang kayakap ko at nanlaki ang mga mata ko. Mabilis akong lumayo sa kay Shannon. "Sorry, sorry. Akala ko kasi si Eva. Sorry, sorry talaga." Namumula ang mukha ko. Umugong din ang kantyaw sa amin. "Hala ano yan!" "Oh my ghod. Spg!" "Yung mata ko ahh! Ang sakit!" "Hala ang babastos!" "Respect for the single one's." "Ako din pa hug!" "Kadiri, hindi bagay uy!" Sinilip ko sa nakatakip na kamay ko si Shannon para makita ang reaction nito. Pero parang hindi pa ito gumagalaw o huminga man lang dahil ganun padin ang pwesto nito noong pinakawalan niya ito. Pabalyang bumukas ang pintuan ng room namin at pumasok doon ang isang teacher na halos pumutok ang ugat sa ulo nito sa sama ng tingin na ipinukol nito sa amin. "LOWER YOUR VOICES! OF ALL SECTION! SCIENCE CLASS PA ANG NAG-IINGAY! WE EXPECT HIGHER THAN THIS! MAY CLASS PA YUNG IBA!" Lahat kami ay dali-daling nagsibalikan sa upuan. Nahuli ng upo si Shannon kaya natawag ito. "YOU!" Turo nung teacher sa higher grades kay Shannon. "Po?" Kumurap-kurap pa ito. "YEEEESS! WHO'S YOUR ADVISER?!" "Ahh, si Miss Belia po." Sagot ni Shannon dito. Inismiran kami nung teacher na yun at pabalyang sinirado ang pintuan namin. Agad na nagsi-buntong hingahan kami. Triggered si Ma'am samin. Porke't walang jowa. "s**t. Kala ko ano na." Nagtawanan na lang kami at nang back stab sa teacher na yun. ANG DAMING nangyari sa hapong iyon. Sa hapong iyon ay nag-usap ang lahat. May mga suggestions at mga ideas kami na ibinibigay sa klase kaya mabilis na natapos ito. Bukas daw sa time ng PE namin ay hihingin namin ang oras na iyon for practice at sa oras ng uwian ay may mga two hours para practice din. Sa studio daw kami ng isa sa mga kaklase ko pupunta after ng uwian. Para na rin daw doon kami magkikita kapag weekends. Lahat kami sumang-ayon doon. Pagkaparada ng sasakyan ni manong sa may pintuan ng bahay ay agad akong lumabas. Nasa may pintuan pa lang ako ay rinig ko na ang ingay nila Tita Alma at Mommy sa may kusina. Mukhang nagluluto silang dalawa. Pumunta muna ako doon. Napakabusy ng buong kusina. Nagkalat ang mga rekados sa mga ulam. The air was also surrounded by the delicious aroma of the foods they are cooking. Yumakap ako sa bewang ni Mommy at hinalikan siya sa may pisngi. "Good evening, my." Bati ko sa kaniya. Hinalikan ko din sa may pisngi si Tita at bumati. "Good evening, honey. How's school?" Tanong ng Mommy niya ng di siya binabalingan. Tutok ang paningin nito sa niluluto nito. "Okay naman My. Kaya lang pinagalitan kami nung isang teacher sa higher grades kasi nag-ingay kami." Imporma niya dito habang umupo sa upuan sa may island counter. Nilingon siya ng Mommy niya at pinaningkitan ng mata. "Why?" Istriktang tanong nito. Ayaw kasi nito na magkaroon ng bad record siya sa school. "Kasi my, natuwa kami na walang klase for that afternoon kasi may upcoming na Sports fest." Sagot niya. "Gusto mo ba ng fries Paradise?" Tanong ni Nanay Manang sa kaniya. "Make sure na hindi niyo na gagawin ulit yun. It's bad for your reputation honey." Pangaral nito sa kaniya. "I want some, Nay Manang." Sagot niya sa matanda bago balingan ang ina. "Yes my. Hindi na po talaga." Tumango lang ito at bumalik ang tingin sa niluluto. Malapit na din namang maluto iyon kaya hindi na rin siya umakyat at nagpalit. Ilang minuto lang ay inihain na ang pagkain. Sumabay sa kanila ang ilang kasambahay pati na si Nay Manang sa hapag. Sila na lang naman apat ang naroon. Siya, si kuya Libban, Mommy at si Tita . Wala pa si Daddy kasi may late meeting ito with the board. Pagkatapos nilang kumain at pumasok na siya sa kwarto at naghanda para matulog. Pagkatapos niyang lumabas sa bathroom ay tumunog ang cellphone niya. Nakita niyang si Eva ang nagtext nun. BABA BLACKSHIP: Omg! Kita mo na ba?! Nangunot ang noo ko sa laman ng text niya. Agad akong nagtype ng reply AKO: Anong nakita? Ilang segundo lang ay nagreply agad ito. BABA BLACKSHIP: THIS!! Naka-attached sa message niya ang isang picture. Mabilis ko itong clinick. Kita dito sila Marah at Shaine kasama na ang mga kaibigan nito. May mga hawak na pulang cup. "Mukhang umiinom ang mga to." Agad akong nagtipa ng reply. AKO: Anong meron? BABA BLACKSHIP: Sina Marah and Shaine! AKO: and? BABA BLACKSHIP: May mga jowa na ang mga gaga! Bago pa ako makatype ay nakatanggap uli ako ng message galing sa kaniya. BABA BLACKSHIP: Kailan ka magkakajowa? BABA BLACKSHIP: Sagutin mo na lang si Shannon kasi. For fun lang naman. MU kayo nun noon diba? Keri na yan! BABA BLACKSHIP: May past naman kayong landian! Go na! Before I start to type ay nagflash sa screen ko ang number ni Shannon. Tumatawag. Agad ko itong cinancel at tinext. AKO: What do you want? SHANNON: I just wanna hear your voice. AKO: Nag-usap tayo kanina. SHANNON: Mabilis lang naman yun eh. I wanna hear your voice before sleeping. AKO: Me. I don't. Pagkasend ko ng message na yun ay tinurn off ko na ang cellphone ko. Nakalimutan ko na din na replyan si Eva. Sunod-sunod na nakareceive ako ng messages. Puro galing kay Shannon. Hindi ko na nireplyan at natulog na lang ako. Bahala na nga yang dalawa na yan. ALUMPYLOVESTORY All rights reserved 2022. Ika-apat na kabanata, TAGUAN.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD