Kabanata 24 Call (3) ......... Pagkatapos ng klase namin sa Gen math and Organic Chemistry sa umagang iyon ay pumunta na agad ako sa hall. May ilang miyembro na ang naroroon. Inayos ko muna ang mga upuan at pre-ni-pare na ang mga kinakailangan sa meeting. After a while ay nagsipasukan na ang ibang member. Iilan na lang ang kulang at ilang minuto na lang din ay magsisimula na kami. Ilang sandali ay pumasok na ang principal along with the teachers na naka-assign na i-manage kaming SSG. Binati namin sila before settling down. "Good afternoon teachers." Sabay-sabay na bati namin sa kanila. Tinacle nila ang nalalapit na forum na dadaluhan namin sa isang prestigious elite university. Hindi magkamayaw ang lahat dahil sa excitement. Lalo na ang mga handler na teachers ay grabe ang pa-

