Kabanata 23 Call (2) ........... Mabilis natapos ang second set. Kami na naman ang nanalo. Habang nasa bench ay kitang-kita ko ang pagod sa mukha ng mga ka team mate ko. "Tangi... HOOOHH! Ngayon ko lang naranasan ang ganitong klase ng hirap." "Ako din! Haaayy!" "Grabe... ganito pala ka hirap maging volleyball player." "Wag kayong magreklamo. Tignan niyo nga yung mukha ng kabila oh." Sabi ni eva. Nilingon nila ang kabila. Napuno sila ng tawanan. "Oh s**t! Kaya naman pala." "Na energize na ako. Balik na tayo." Sabi nila at nagtawanan pa. At dahil doon ay relax na sila. "Ibigay na lang sa kanila ang last two sets. Sa atin ang last." Mabilis na tumango sila. Mas mabuti yun dahil makakapagrelax pa din sila. The game was back when the last set hit. Hindi na namin pinalampa

