KABANATA 17
Tulugan (1)
Napaka-fulfilling ng weekend na iyon. Chinika ko rin si Eva sa ginawa namin ng family namin noong araw na iyon at siya naman ay puro tanong tungkol sa mga kapatid ko. Yes. Mga kapatid ko. I already accepted them. We're blood related anyway. Minsan masmabuti kung tatanggap ka ng mga dadating sa buhay mo at matutong mag-adjust kaysa magmatigas at ang maraming tao ang magbago para sa pansariling hangarin.
Monday ngayon at maaga akong gumising dahil maliban sa may pasok ay kailangan naming magsalo-salo sa pagkain. They all agreed kagabi na we will eat together breakfast since last day na nila Tito Miguel ay uuwi na sila sa Sibonga.
Pagkababa ko ng hagdanan ay nasa sala na ang mga matatanda at naroon narin si kuya Alex. Mukhang nahuli sina kuya Libban at sina kuya Lex at ate Lexxa. Napasarap siguro ang tulog.
"Good morning, honey." Bati sa akin ni mommy ng makita akong papunta sa gawi nila. Hinalikan ko siya sa pisngi at binati rin. "Good morning din My. Good morning Dad, Tito Miguel, Tita Alma." Nilingon ko si kuya Alex "Morning kuya Alex." Bati ko sa kanila. Nginitan rin nila ako at binati pabalik.
Umupo ako sa gilid ni mommy at mabilis na nilapagan ng mga kasambahay ng plates, spoon and fork, tsaka baso na din. Nag-uusap naman sila habang tahimik na kumakain ng napansin kong bumaba na rin ang mga kapatid ko.
Tinutulak ni ate Lexxa ang wheel chair ni kuya Libban na nakabusangot at hindi maipinta ang mukha habang nasunod si kuya Lex na antok pa.
"Good morning!" Masiglang bati ni ate Lexxa habang wala namang imik si kuya Libban. Si kuya Lex naman ay naghihikab. Nilingon ako ni ate Lexxa at nagtaka sa suot ko. "You're going to school na?" Tanong niya sa akin habang pinupwesto sa dulong kabisera katapat ng kay Daddy si kuya Libban. Ang layo niya tuloy sa mga pagkain na mas lalong ikinasama ng timpla ng mukha nito.
Tumango naman ako. Naupo si ate sa gilid ko at nagpasalamat sa maid na nagbigay ng plato niya. "I'm early this morning kasi may flag ceremony every Monday sa school." Napa-AH naman siya habang sumasandok ng pagkain.
"Sana all." Wala sa sariling sabi niya.
Napakunot ako sa sinabi niya. Ang weird. Di naman connect sa pinag-to-talk ko tas nagsabi ng 'sana all'. How weird right?
Hindi na lang ako nagsalita at kumain na lang. Nang natapos ako ay tumayo na ako at nagpa-alam. "Gotta go na Dad, My, Tita, Tito, Kuya's and ate. Bye."
Kinuha ko muna ang gamit ko sa taas at nagmamadaling pumunta sa rotonda ng bahay para abangan ang driver. Pagkalabas ko ay naroon na ito at nakabukas na ang pintuan. Pumasok agad ako at humarurot na ito palabas ng bahay.
Pagkarating ko sa school ay nakita ko agad sa may bungad ng pintuan ng classroom namin ang pinakamakulit na tao sa mundo. I rolled my eyes. "Ang pangit na ng araw ko..." I said in to myself.
Nilabas ko ang phone ko at yumukong naglakad papasok para hindi ako makita nito. Pero parang instinct na talaga nito na maramdaman kapag nasa paligid lang ako. Hinarang niya ako bago pa man ako makapasok sa room kaya na untog ako sa dibdib nito.
"Tangin..." I hissed. I massage my head dahil para akong nauntog sa kama. "Good morning." He flashed his boyish smile. Inisnaban ko siya at tinulak pagilid para makadaan ako.
Rinig ko ang impit na tili ng mga babaeng kaklase ko at ang mga pang-aasar ng mga lalaki na pinangungunahan ng mga friends nito. Nagmamadali akong pumunta sa upuan ko sa dahil nakakairita na sila.
"Baby, hindi mo man lang ba ako igi-greet?" Sabi nito. Umakto pa itong nagpapacute. 'Agh! Sarap tirisin!' Hindi ko siya pinansin at nilabas na lang ang books ko for the first subject kasi mahilig yung prof namin magquiz bago magstart. Binasa ko ang topics last week and the next two topics to make sure na hindi ako babagsak.
"Shan, wag mo ngang isturbuhin ang baby mo. Kita mo namang nagri-review oh. Kiss mo na lang!" Nagpantig ang tenga ko sa sinabi nito. Nagtaas ako ng tingin. Hinanap ko ang nagsabi nun. 'Kiss? Baka makarate ko ang mga yan!'
Shannon is my suitor. Simula nung tumuntong kami ng high school ay umaaligi-aligid na ito sa akin. Minsan napagkakamalam pa na jowa ko lalo na noong nagfield trip kami last year. Kaya ayun, busangot ang mukha ko sa buong maghapon.
Noong araw din na iyon habang nag-uusap kami nila Marah tungkol sa mga gwapong nakikita nila ay may gwapong dumaan doon. Tinukso pa ako nila Marah dahil sinundan ko ng tingin. Gusto ko raw.
Hindi ko alam kung masusuka ako sa pinagsasabi niya o matatawa. Like, duh! Sino bang may gusto ng badoy na suotan plus! May suot pa na eye glasses. Gwapo sana kaso ang nerdy. Nakayuko pa noong dumaan sa pwesto namin.
Narinig naman noong mga kaibigan ni Shan at sinumbong. Kaya pinatid nila. Kawawa pa nga. Nawalan tuloy ako ng amor kay Shan. Crush ko yun noon eh. Pero ng makita ko ang attitude niya ay biglang nawala. In short, na turn off ako.
Nakita kong inambahan ng suntok ni Shan ang kaibigan niya bago lumingon sakin. When our gaze locked up parang nag-iba ang paningin ko sa kaniya. Parang umaliwas bigla ang nasa paligid. But I know better. Kaya I just shrugged off the thought.
Shan smiled at me pero inirapan ko siya at binalikan ang binabasa. "Ang sungit, kaya ako nahuhulog eh." I heard him whispered makes me blushed. Itinutok ko ang mata ko sa libro pero ang atensyon ko sa taong nasa gilid ko. Hinahalungkat ang pencil case ko. 'Kung makahalungkat 'to parang sa kaniya.'
Ito din ang pinaka-ayaw ko sa kaniya. Feeling superior. Kala mo kung sino. Sinasamantala niya ang posisyon ng Daddy niya na mayor ng Cebu City. Kaya nga I turn him down, but his so persistent.
ALUMPYLOVESTORY