Takot ang namamayani sa buong sistema ng dalaga. Hindi niya sinasadya. Wala siyang kasalanan. Nanginginig habang nakatitig sa duguan niyang mga palad.
Tumingin siya sa paligid tila nangingilabot sa mga bangkay na sa kanya ay nakapalibot.
Luna, Alpha, at ang mga kasamahan niya sa pack na tanging tumanggap sa kanya habang tinitingnan siya ng iba bilang isang malaking pagkakamali lamang. Sumisigaw ng katarungan ang mga dugo ng minamahal: Maruming ang iyong pinagmulan! Patapon! Traydor!
Mga bagay na kaakibat ng kanyang pangalan. Ipinanganak na isang Lycaon, bunga ng isang pagkakamali.
Magawa kayang makaalpas ng dalaga sa sumpa ng kanyang sariling dugo?
Mapatunayan kaya ng isang rogue ang kanyang katapatan?
Ano nga ba ang mas mangingibaw? Ang pagmamahal at pagtanggap? O ang tawag ng sariling dugo?