Hindi niya mapigilang mapangiti abang papalapit sa L2Hunter at mga kasamahan niya. Dane was on fire. Pakiramdam niya ay nagsisimula ng umepekto ang buwan sa katawan niya kahit ni hindi pa iyon ganoon ka maaliwalas. Kahit na bilang Lycaon ay may kakayahan siyang mag palit anyo kahit kailan niya gustuhin. Ngunit iba pa rin ’pag kabilugan ng buwan. Nang tuluyan na siyang nasa parisukat na ilaw ay tumingala siya at pinagmasdan ang buwan. ‘Kay ganda mo . . .’ Dane could feel the strong bond between her, and the moon. Tulad niya, Hail was also ecstatic. Sa kaloob-looban niya ay umaalulong ito at tila ba hindi na makapag hintay ng ilan pang sandali. “Dane, ayos ka lang ba?” tanong ni Nitch. Lumingon siya sa gawi nito. Ngayon pa lang ay masasabi na niyang kanya ng nakikita ang epekto ng buwan dit

