Sa gitna ng ingay sa loob ay bumukas ang pinto na matatagpuan sa parte na malapit sa pilot chamber, at lumabas ang isang naka asul na unipormeng Senior. Sa itsura ng katawan nito ay kita ang matinding pagsasanay. Pansin din ang ibang kulay at dating ng balat nitong dahilan kung bakit mukha itong bata sa totoong edad. “Greetings, new hunters. Sa araw na ito ay tutungo kayong lahat sa magiging permanent base ninyo hangga't walang reshuffling na mangyayari. Ang base kung saan matatagpuan sa dulo ng district two. Mapanganib ang lugar kaya pinapayuhan kayong mag-stick sa grupo at walang hihiwalay hangga't ’di kayo nakakapasok sa loob ng base. Maaaring ang iba sa inyo ay galing sa district, one, two and three. Hindi magkakilala, at mayroon namang panahon ang nagtakda upang magsama sa iisang g

