Muli niyang sinuri ang loob ng soul world upang masigurong wala na talagang kaluluwa na natira doon. Nag-iingat siya lalo’t pag-aari ng itim na witch ang kagamitan na nakuha niya. Sa itsura din ng cave kung saan sila naroon ni Hail ay talagang natitiyak niyang dito ginaganap ang mga pag-aalay. Kung ano ang mga inaalay ay mayroon na rin siyang ediya dahil sa mga nagkalat na bungi at samut-saring buto sa paligid. ‘Mukhang mas libingan ang lugar na ito kaisa bahay.’ ‘Eh, black witch nga ang nakatira dito. Anong eni-expect mo?’ ‘May class at mamahaling dating.’ ‘Ewan ko sa ’yo. Mabuti pa ay tulungan mo na lang akong kunin ang bundok ng mga kayamanan, Hail.’ ‘Yeah, like I can really help you with my beautiful paw.’ Nirolyo niya ang kanyang mga mata at ’di na lang kumibo pa. Alam niyang ha

