Naguguluhan siyang naiinis dahil sa malakas na ingay. “Dane? Dane? Dane?” Dahil sa malakas na alog na kanyang nararamdaman ay mabilis siyang bumangon. “Aray!” sigaw niya ng tumama ang kanyang noo sa isang matigas na bagay. Kaya mabilis niyang minulat ang kanyang mga mata at inis na tumingin sa paligid niya. “Ni-Nitch?” Labis ang kanyang pagtataka nang makita itong nakaupo sa sahig at dumudugo ang noo. “Hah . . . May galit ka yata sa ’kin, Dane eh! Ang sakit . . .” Kahit pabiro ang dating nito sa kanya ay alam niyang labis itong nasaktan. “Te-ka nga lang. Ano ba kasi an—” Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin nang naramdaman niya ang sumasakit niyang noo. “Oh. Naku! Pasensya ka na, Nitch. Sorry hindi ko sinasadya.” Mabilis siyang bumangon sa higaan at tinulungan si Van upang pata

