Bagsak ang balikat niyang bumalik sa loob ng kanyang silid kung saan ay naabutan niya si Nitch na humihilik. Mukhang pagod na pagod ito at nakabuka pa ang bibig. Dahil sa gilid lang ang takip ng kanilang mga kama ay nakikita pa rin nila ang matutulog sa pasukan ng kanilang bed cubicle. ‘Hail, magpahinga ka na at maliligo muna ako. Mukhang dumikit kung saan-saan iyong kinain kong may mantika.’ ‘Suit yourself, Dane. Busog na busog ang pakiramdam kaya ay magbu-beautyrest muna ako. Mahirap na at mag lagas pa ang balahibo ko.’ Pilit na lang siyang ngumiti at dahan-dahang kumuha ng set of sleeping uniform at towel. Patingkayad siyang naglalakad tungo sa banyo. Alam niyang sobrang sensitive ng mga tenga nilang mga wolf. Kaya extra ingat din siya lalo’t nagpapahinga ang mga ito at siya lang ang

