Nang nasa mall na sila ay agad siyang nagtungo sa isang comfort room at doon ay hinubad ang agaw pansin niyang suot. Maging ang mamahalin niyang purse, heels at earings ay tinago niya na lang sa loob ng kanyang invisible soul world. Matapos naging komportable sa suot niya ay agad na silang nagsimula sa pamimili ni Hail. Binili niya ang halos lahat ng kanyang makita. Galing sa damit, kasangkapan, mga pang-training gear, hunting gear at kung ano-ano pa. Kahit ang Untouchable Valley ay parang little City tingnan, ang lahat ng mga establishments doon ay exclusive lamang para sa mamayan nito. Dahil ang Valley ay nakadesinyo upang tapunan lamang ng points. Hindi ito ginawa upang gawing sentro ng komersyo. ‘Dane, sapat na itong mga pinamili natin upang muling buhayin ang mga tindahan sa loob n

