Pupungas-pungas siyang nagbukas ng kanyang mga mata habang unti-unting binabalik ang pakiramdam sa paligid. “Uhmmm . . . Ni—” Muntik na siyang maalarma nang bigla na lang may nagtakip ng kanyang bibig. “Dane . . . ’wag kang maingay . . .” bulong nito at unti-unti siyang pinakawalan. Agad naman siyang lumingon sa kanyang likuran. At doon ay nakita niya ang tatlong natutulog na mga bata. “A-anong nangyari?” “Hindi ko rin alam. Pero dapat magpaliwanag ’yong lalaki mo. Alam ko’ng matindi ang nangyayari. Ikaw, wala ka bang alam? O kilala mo na ba kung sino at ano siya?” Agad siyang natigilan sa mga tanong nito. ‘Kilala ko na ba siya?’ Naging katanungan din ’yon. Ang alam niya ay maaaring siya ang dugo na kailangan sa Arzendia. “Si Zenon kaya ang Demigod Fortun?” “Mahal mo na ba siya?” Isang

