Anak ng kambal

2041 Words
Pinagmasdan niya ang kamay nitong nilalaro ang kutsarang nakalagay pa sa pa sa isang table napkin. Napapailing siyang nagiging malalim ang paghinga dahil lamang sa panunuod ng simpleng kilos nito. ‘Ganito ba ang epekto ng koneksyon sa isang mate? Ngunit bakit hindi ko maramdaman na ganoon din siya sa ’kin? Ni hindi ko nga siya magawang maamoy kung wolf ba siya o hindi.’ “Sa-salamat sa tulong mo, Sir,” aniya. Dane felt amazed. This was the first time na kinabahan siya sa pakikipag-usap. Kahit na sino at anong nilalang na ang nakaharap niya. She even fought enemies that are ten times bigger than her. Sa lalaking ito lang pala magiging nilubid ang kanyang dila. “Oh.” Napakaikling sagot nito na mas dumagdag sa agitation niya. Ngunit ilang sandali pa ay unti-unting napalitan ng pangungunot ng noo ang basilasa niyang mukha. ‘Haha! Ngayon pa lang ako nakakita ng babaeng may tatlong pisngi ng puwet!’ ‘Ang pangit tingnan, Bro! Haha! Sorry, Miss. Pero ’yang dibdib mo, maaari ba naming makita? Baka palaman lang din ’yan!’ ‘Tama na, pakiusap . . .’ Isang iglap lang ay nakatayo na siya sa likod ng isang lalaki na hanggang ngayon ay para pa ring baliw na pinagtatawanan si Nitch na ngayon ay nakaupo na sa sahig habang umiiyak. “Masaya ba?” tanong niya rito sabay kagat sa ibaba niyang labi. Agad na naglandas ang maitim na dugo mula sa kanyang kagat dahilan upang napatitig sa kanya ang lalaki. “Kiss me . . .” bulong niya sabay dila sa ibabaw ng kanyang labi. Sa isang iglap lang ay mahigpit na ang kapit nito sa kanyang bewang. Nagiging mabilis din ang paghinga at t***k ng puso nito na malinaw niyang naririnig. Mabilis na sinunggaban nito ang kanyang labi na noo’y nakaawang pa at naghihintay ng magpapasara. “Die . . .” Humiwalay siya sa pagkakahalik nito sabay binulungan ito sa tenga. “Da-Dane, anong nangyayari?” tanong ni Nitch na hindi magawang ialis ang paningin sa mukha ng lalaking nanakit sa kanya. Malinaw niyang nakikita ang mukha nitong sumisigaw sa sakit ngunit hindi makapag salita. Unti-unting nalusaw ang mga labi nito na para bang kandilang nauubos. The man's face is beyond horrified and in pain habang pinagmamasdan ang sarili niyang laman na unti-unting natutunaw patungo sa palad niyang nakaabang. “Grrr!” sigaw ng lalaking kasamahan ng ngayon ay para ng likidong nakalatag sa sahig. Walang natira sa katawan nito kundi ang mala- condensed milk na ngayon ay umuusok pa at ang mga kasuotan nito. “Ano’ng ginawa mo sa kapatid ko?” sigaw nito bago siya marahas na inataki. Hindi niya inasahan ang malakas nitong suntok dahilan upang tumilapon siya at bumangga sa isang bakal na mesa. Ngunit bago pa man sa nakatayo ay binigyan na siya nito ng isa pang tadyak. Dane has only two choices, ang bugahan ito ng kanyang dugo, o sapilitang tawagin si Hail—maaari siyang magwala sapagkat hindi niya ito kontrolado. Maliban sa hindi pa gumagaling ang kanyang katawan ay naapektuhan pa rin siya ng pagkawala ng koneksyon nila ni Hail. “Ang angas mo’ng babae ka! Wala ka pa lang binatba— ahhh! Masakit!” Halos lahat ay napatingin nang nagsimula itong sumigaw. Walang nais na tumulong dito sapagkat batas ng kanilang mundo ang hindi mamakialam kung hindi naman kabilang sa pack. “Ahhh! Patigilin niyo ’to! Masakit!” Ilang segundo lang ang lumipas at nagsimula na itong mabaliw. Kusa na nitong binunot ang sariling buhok dahilan upang sumirit ang dugo mula sa ulo nito nang sumama ang malaking bahagi ng balat. Hindi pa ito nakuntinto at sinimulan naman nitong dukutin ang dalawang sariling mga mata. “Ahhh!” Huling sigaw ng lalaki bago tuluyang sumabog ang bungo nito. Para iyong pinaputukan na tumilapon pa ang mga laman, dugo at utak na dumikit kung saan-saan, maging sa magandang mukha ni Dane. Kasunod naman niyon ay ang pagbagasak ng katawan ni Nitch sa sahig. Naghahabol ito ng hangin at dumudugo ang kaliwang butas ng ilong. “Nitch . . .” bulong niya sabay hubad sa suot niyang riding hood at ipinulupot iyong sa katawan ng kaibigan bago tuluyang kargahin. Hindi na niya naisip ang kahihinatnan ’pag nakita ng lahat ang kanyang anyo. Ang anyo na umukit ng mapait na kasaysayan sa Slovokandia dahil sa kataksilan na hindi sila ang may gawa. “Isang Rouge! Ang nawawalang anak ng isinumpang mag-asawa!” Dahil sa kanyang paghubad sa bagay na nagkukubli sa kanyang mukha ay malinaw na nakita ng lahat ang kanyang mga mata at ang nakatali niyang kulay ube na mga buhok. Ang buhok na galing sa kanyang Ama, habang sa kanyang Ina naman ang ube na mga mata. Her violet eyes flickers with killing intent nang nakaramdam siya ng presensya na gustong manakit sa kanila. “That’s enough. Enough, Mortal.” “Pero, Zin!” “Enough.” Malumanay ang pagkakasabi nito sabay malamig na ngumiti sa lalaking ngayon ay pula pa rin ang mga mata dahilan muntik na itong mag palit anyo bilang lobo. Agad naman itong tumalima. Nagpulasan din ang mga nagkukumpulan at agad na nilinis ng mga taga linis ang nangyaring kalat, maging ang katawan ng dalawang namatay. Makalipas lamang ang halos ilang minuto ay bumalik na sa ayos ang lahat na parang walang nangyari. Habang silang dalawa ni Nitch ay naroon pa rin. Karga-karga niya pa rin ito kaya ay ’di na siya nakagalaw pa nang ipatong ni Zin ang suot nitong coat sa kanyang balikat. “Go home, Mortal.” Tinapik siya nito. Dane couldn't help the urge to close her eyes. At nang buksan niya ang kanyang mga mata ay nasa harap na siya ng building na tinutuluyan nila ni Nitch. “Dane, maaari mo na akong ibaba,” wika nito. Alam na agad niya kung bakit kanyang nararamdaman na may pagtatampo ang boses nito. “Nitch. Hayaan mo muna akong magpaliwanag, please . . .” “Sa loob na tayo mag-usap.” At nagsimula na itong maglakad na parang walang nangyari. Nang nakarating na sila sa may elevator ay tumayo na siya sa tapat no’n. Ngunit nakita niyang nagdire-diretso ito sa pag lalakad at tumigil lamang nang nasa tapat na sila ng hagdan. Kaya wala na siyang nagawa kundi ang sundan ito nang nagsimula na itong humakbang. Dahil dito ay nakikita rin niya ang hindi pantay nitong puwetan. Nasabi na lang niyang oo nga at nakakatawa talaga iyong pagmasdan. Makalipas ang halos tatlong minuto ay narating na rin nila ang kanilang silid. Umupo ito sa couch at matalim na tumingin sa kanya. “Kailan mo balak sabihin sa ’kin na ikaw ang nawawalang Anak ng kambal?” tanong nito na hindi naman talaga niya ipinagtataka. Noon pa man ay alam na niyang kambal ang kanyang mga magulang. At isa iyon sa dahilan kung bakit ayaw sa kanya ng ibang mga cub noong kabataan pa niya. At ang pinakatago-tago nilang sikreto sa lahat ay ang pagiging hunter ng mga ito. Ngunit hanggang ngayon alam niya sa kanyang puso na hindi kailan man ipagkakanuno ng mga magulang niya ang pack na kumupkop sa kanila. Lalo na ang panggagahasa sa future Luna ng pack na ’yon. Dane snapped and a weak smile peeked on her lips. “Hindi naman iyong nakaka-proud na impormasyon ’di ba? Pagatatawanan mo rin ako at baka layuan mo pa.” “Serously, Dane? Alam mo bang noon pa kita gustong makilala? Oh, Moon Goddess! Akala ko ay hindi iyon mangyayari pa.” Namangha siya agad sa sinasabi nito. Hindi ba ito nandidiri sa kanya? O ’di kaya ay nagnanais na patayin siya upang mawala ang sinasabi ng lahat na isa siyang sumpa. “Maaaring masama ang tingin sa inyo ng ibang mga pack. But for me, basi sa narinig ko sa aking mga tagapag-alaga noon bago namatay ang aking magulang noong panahon ng digmaan at tagtuyot, ay hindi raw totoo ang mga paratang sa inyo.” Wala sa sariling napatayo siya at muling nagningning ang kanyang mga mata sa galit. “Maaari mo bang sabihin sa ’kin kung sino ang iyong mga bantay noon, Nitch? Malaki ang maitutulong nito sa paghahanap ko kung sino talaga ang may kasalanan noon—na hindi ang pamilya ko.” Puno ng galit ang kanyang mga matang naghihintay ng kasagutan mula rito. Ngumiti muna si Nitch at hinawakan pa rin ang kanyang mga kamay kahit na ramdam din nito ang galit niya. “Gusto man kitang tulungan, subalit nasawi na rin iyong mga bantay ko. Sila ang huli kong mga tagapangalaga sa aking pamilya. At saka, hindi rin gaanong malinaw ang mga alaala ko noon. Kahit nineteen years old na ako noon ay nasa ilalim naman ako ng sumpa, kaya nahihirapan pa talaga akong maka-adjust. Ni sarili ko ay hirap akong alalahanin. Kasi nga, naiwan lahat ng mga kakayahan ko, talino at pagkilos sa gulang na labindalawa. Pasensya ka na ha kung wala akong gaanong paki noon.” Sa pagkakataong ito ay siya naman sng ngumiti. “Hindi kita masisisi, Nitch. Malaki rin ang problemang kinahaharap mo. Ang tapang mo nga at nakayanan mo lahat.” “Nah. Kinakaya ’ka mo. Saka wala akong ibang aasahan. Lalo’t kabilang pa ako sa walang pusong pack.” “Masaya akong makilala ka Nitchi Avanor.” “Masaya rin akong makilala ka, Dane . . . Lycaon.” Pagak siyang napatawa sa pagbanggit nito sa pangalan niya. Talagang bantog ang kanilang pamilya. Sa negatibo nga lang. “Naku! Naku! Baka akala mo huh! Ano nga pa lang nangyari do’n sa nalusaw na lalaki?” Doon niya sinimulan ikwento ang haka-haka niya. “I-ikaw pala ang pumaslang sa ahas . . .” “Oo. Pero. Kinagat ko lang naman siya. Kasi kinagat niya ako. Mahinang-mahina ang katawan ko no’n. Tubig lang iniinom ko.” “Parang hindi naman dahil ’yon sa ahas.” “Hindi pa rin nangyari sa ’kin na ganoon ka sama ang dugo ko noong nasa pack pa ako.” “Eh, bakit noong hinawakan ko ang dugo mo hindi naman ako nalusaw?” “Dahil pareho tayong may sumpa?” pabiro niyang balik na tanong dito. “Sounds fair. Pero, ano? Mananatili pa ba tayo rito? Ba-baka sumugod Iyong mga nakalaban natin sa club.” Umiling siya dahil naiisip niya rin ’yon. “Halika, Nitch. Ayusin na natin ang ating mga kagamitan. Umalis na tayo rito. Baka may madamay pang ibang mga nilalang.” Kahit pagod ay mabilis nilang naayos ang kanilang mga gamit. Para silang nagnanakaw na lumabas ng kanilang silid habang palinga-linga sa paligid—takot na may maka kita sa kanila. “Miss Nitch. Miss Dane. Nakabalik na po pala kayo galing sa Mixed club.” Sabay silang nagkatinginan ni Nitch. Sapagkat namumukhaan nila ang mga babaeng kasama nito. At galing ang mga ito sa club kung saan nangyari ang karumaldumal nilang laban. “O-oo. Inaantok na kasi kami,” pagsisinungaling ni Nitch. Kilala nito ang lalaking shiftshifter dahil nagpa-cute ito agad nang dumating sila sa hotel. “Sige, girls. Mauna na kami ng mga date ko,” wika nito sabay tingin kay Nitchi. “Hindi ako nagseselos sa pandak na ’yon. Pero imposible namang hindi nila maalala ang nangyari,” anito, dahilan upang maalala niya ang lalaking nagngangalang Zin. “Sa tingin ko ay makukuha natin ang sagot sa lalaking ’yon.” “Sinong lalaki?” “Basta. Kailangan nating bumalik sa club. Kompirmahin natin mismo sa ating mga sariling mata.” “Ikaw ang bahala.” Sa huli ay nagpasya na rin silang bumalik sa kanilang silid at doon ay nagpahinga na lang. Hinayaan niya na lang na makapagpahinga si Nitch dahil muling dumugo ang ilong nito. Habang nakahiga naman siya sa sarili niyang kama ay panay ang paglalakbay ng kanyang diwa. Hindi niya mapigilang isipan ang presensya na naramdaman niya noong nasa Mixed club pa sila. Sapagkat matindi ang pagkakahawig ng presensya na ’yon sa nilalang na pumana sa kanyang Ama at Ina gamit ang isang silver Arrow, na ikinamatay ng mga ito—ngunit hindi naman siya tinablan. Bagkos ay nahilo lamang siya at nagkaroon ng pilat sa tiyan. “Ba’t ang gulo ng nakaraan ko?” Mapait siyang ngumiti at hinawakan ang kanyang pilat sa tiyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD