“Dadaan muna kayo sa ’min bago ninyo makuha si Lamo.” Matigas ang kaniyang boses habang tumitingin sa limang level two hunters na sumalubong sa kanila. Tulad niya ay handa ring makipaglaban sina, Karn, Jeremy, Van at Tali. “Woah, woah! Hindi kailangan maging marahas. Narito kami para tumulong.” Tumaas ang kaniyang kilay sa sinabi nito. Ngunit binaba na rin niya ang kamao nang maamoy sa hangin na wala namang dalang peligro ang mga ito. Nang makita ng mga kasamahan niya ang kaniyang ginawa ay sumunod na rin sila. “Ang inyong kaibigan ay nakagat ng evolved maggot. Mayroon itong dalang bacteria na nakakahawa. Pero hindi naman ninyo kailangan mag-alala. After three days, saka pa lang nagiging delikado ang lahat ng nilalabas na fluid ng isang infected subject. Sa ngayon ay kailangan natin siy

