Ilang metro pa lang ang layo niya kung saan sila pumasok, kung saan ay iniwan nila si Nitch. Ngunit kahit sa distansya na ’yon ay malinaw na niyang naamoy sa hangin ang kalagayan ni Nitch. Sabay din niyang naamoy ang paparating na niyang mga kasama. Ang dating mabilis niyang takbo ay mas lalo pa niyang binilisan nang marinig niya ang natutuwang alulong ng mga lubong malapit sa malaking bato. ‘Si Nitche! Nanganganib siya!’ “Awoooh!” Sabay nilang alulong ni Van nang halos sabay lang silang nakarating sa lugar. Malinaw niyang nakikita ang katawan ni Nitch na ngayon ay lupaypay na sa ibabaw ng malaking tipak ng bato. Naririnig pa niya ang paghinga nito, ngunit mahina na. Pansin din niya ang bahagyang pangungulubot ng balat nito. “Awoooh!” alulong ng mga kasamahan niyang nasa likuran na niya

