Habang naglalakad ay panay din ang hila niya kay Nitch. Mala-teleskopyo ang mata nito at ang bilis maka kita ng mga lobong may tindig at itsura. Alam na niya agad sa tuwing may makikita iti dahil dinaig pa nito ang babaeng bayaran kung maka kagat ng hintuturo, at may pa dila-dila pa ng labi na malalaman. “Kung alam ko lang talaga na ganito ang magiging epekto sa ’yo ng tsaang ’yon . . . Hay!” Mabagal itong maglakad at panay pa ang ngiti sa mga lalaking naroon. Hanggang sa may nahagip ng kanyang paningin na isang maliit na stall. Wala gaanong namimili roon kaya mabilis niyang hinila si Nitch. “Magandang araw po, mga manlalakbay. May maipaglilingkod po ba ako?” Malapad ang ngiti nito na talaga namang nakakahawa. Nakikita niya ang isang batang lalaki na ngayon ay pinupunasan ang iba’t iba

