Makalipas ang halos limang oras ay nakapag pahinga na rin silang lahat sa kanya-kanya nilang mga silid. At katulad no’ng dati ay magkasama pa rin sila ni Nitch sa iisang silid. “Hello! Dane Antor!” anas ni Nitch na ngayon ay matagumpay na nakawala sa mala-lintang kapit ni Vanica. “Shhh! Baka may mga camera sa paligid . . .” bulong niya rito. Umakto naman ito na nagsasara ng bibig ngunit tila sumasayaw pa rin ang mga mata nito. “Pero ito, Nitch . . . Gusto mo si Vanica ano? Iyong napakagandang dilag na magaling gumamit ng samurai. May pagka Hapon pa ang ganda!” Pinagmamasdan niya ang kanyang kuko na ngayon ay kulang sa linis. “Dane!” bulalas nito sabay nagtatampong tumalikod. “Alam mo kasi, baby Nitch. Maaari kang makapag lihim sa iba. Pero sa ’kin? Forget it! Naaamoy ko ang pagbabag

