Kung oras ng kanilang mga device ang pagbabasehan ay alas-otso na ngayon nang umaga sa labas ng ruins. Ngunit dahil nasa loob sila ng ruins, na ’di rin nila masabi-sabi kung kabilang ba sa ibang mundo ay walang gabi at umaga roon. Tanging ang mga transparent stones lamang ang nagbibigay ng sapat na liwanag sa loob upang malinaw silang nakagagalaw at nakakakita. Ngunit kung ang pakiramdam naman sa hangin ay masasabi nilang karugyong lang ang ruins sa labas na mundo lalao’t ramdam nila ang buwan sa kasagsagan ng kabilugan nito. Matapos makapag pahinga at masigurong ’di gaanong makubha ang lagay ni Nitche ay naghanda na sila upang lumipat ng ibang lugar. Nakahinga rin siya nang maluwag matapos nakumperma na hindi niya natuluyan sa kamatayan ang isang trainee. “Aalis na kami. Good luck sa p

