Upang pakalmahin ang sarili ay bahagya muna siyang lumayo kay Zen at lumapit sa maliwanag na bato. Mariin niyang nililipat doon ang tensyon na kanyang nararamdaman. The moon Goddess knows how much her body was aching for Zen’s touch. ’Di lang niya maamin dahil ayaw niyang magmukhang cheap. Sa tuwing kasama niya ito ay nararamdam niyang nagiging isang normal na babae siya. Iyong tipong ’di kailangan lumaban nang p*****n dahil mayroong magtatanggol sa kanya. “I won't force you if you don't want to . . . Love,” anito sabay yakap sa kanya mula sa likod. Mula sa pakiramdam na nilalamig ay para naman siyang sinisilaban sa ngayon. Dahan-dahan siyang umikot upang harapin ito. “I didn't say I didn't want to. Ang concern ko lang ay baka magtaka ang mga kasamahan ko at bigla na lang akong nawala

